Thirty one

75.9K 1.2K 55
                                    



Buong maghapon nakangiti si Colyn. Mula sa lunch meeting nila ng client niya hanggang ngayong papalubog na ang araw. Kanina pa nga siya tinutukso ng mga empleyado dahil sa ginawa ni Jeremie kanina nung inihatid siya nito.

"Ma'am kayo na po ba?" tanong ng isa niyang empleyado na si Jacky. Kanina pa ito tanong ng tanong eh. Ang alam niya crush nito si Jeremie.

"Pang-ilang tanong mo na ba iyan? At ilang beses ko na ba iyang sinagot?" natatawang sagot niya kay Jacky.

Nakita niyang ngumuso si Jacky na halatang hindi kuntento sa sinagot niya rito.

"Eh ma'am! Kaibigan? May kaibigan bang naghahalikan sa lips?"

Imbes na sumagot ay tinawanan nalang niya ito.

"Ma'am naman eh. Haayyy, ang swerte niyo talaga ma'am. Biruin niyo, isang Jeremiah Santillan ang nahumaling sa kagandahan niyo. Ang swerte niyo sa isa't isa. Tsk, sige na nga ma'am. Pinapaubaya ko na sayo si Baby Jeremie." nakapangalumbaba ito sa upuan habang nakatingin ito sakanya. Nginitian niya ito at mahinang pinalo sa puwetan.

"Ang showbiz mo talaga Jacky, hala, may customer. Asikasuhin mo na iyon. " saway niya rito nang may pumasok na mga tao sa botique. Buti nalang at may customers, gusto narin kasi niyang takasan ang mga tanong ni Jacky. Grabe talaga iyong babaeng iyon,daig pa ang reporter sa dami ng tanong.

Ang iba naman niyang empleyado, halatang nakikinig at naghihintay rin ng sagot niya. Pero bigo ang mga ito sa mga sagot niya. Totoo naman ang mga sagot niya eh. Kaibigan niya lang si Jeremie. Hindi naman sila mag-kasintahan at lalong hindi sila mag-asawa. Hindi na.

Pumasok siya sa opisina niya at binagsak ang sarili sa swivel chair niya. Pinikit niya ang kanyang mata. She was really exhausted. It was a day for her alright. Kahit na six palang ng gabi. She was about to sleep nang tumunog ang phone niya.

1 new text message.

From: Jeremiah Santillan

Are you free? Dinner? :)

------

Napangiti siya sa text nito. Lagi nalang pagkain ang pambungad nito sakanya. Ganito ba talaga kapag chef ang isang tao? Masyado!

Nagreply naman siya rito.

--------

To: Jeremiah Santillan

Sure. Where to?

-------

From: Jeremiah Santillan

Here at Food Bowl? May bago kaming dish. I want you to try it.

------

Yung Food Bowl ay isa sa mga restaus niya. Walang pinggan doon. Lahat nasa bowl. Kaya Food Bowl. Obvious ba?

Ang alam niya, malapit ito sa condo ni Erin eh.

-----

To: Jeremiah Santillan

Okay. I'll be there at 7.

------

From: Jeremiah Santillan

Sunduin na kita diyan.

--------

To: Jeremiah Santillan

No need. Have my car. See you :)

-------

From: Jeremiah Santillan

Okay, ingat ka baby. I love you.

------

Hindi na nagreply si Colyn. Nag-ayos nalang siya ng kanyang sarili at binilinan ang mga employees niya. Tutal may isang oras pa siya. Aalis nalang siya ng 6:30 para saktong 7 andun na siya.


------

Binaba na ni Jeremie ang phone niya. Napabuntong hininga nalang siya. Hindi parin sumasagot si Colyn kapag sinasabi niyang mahal niya ito. Hindi naman niya masisisi si Colyn dahil alam niya na baka she was still holding back after what happened to them. Pero, okay lang sakanya iyon. Nararamdaman naman niya na kahit kaunti may pagmamahal si Colyn sakanya. And he will hold onto that.

Sinabihan na niya ang mga chefs niya na lutuin ang bagong dish ng restau niya. Gusto niya sanang siya ang magluto para kay Colyn, pero ayaw niya kasing madumihan ang damit niya. Hinanda pa naman niya ang private room ng restau niya para sakanilang dalawa ni Colyn.

Hinding-hindi siya magsasawa na gawing special ang bawat araw na magkasama sila ni Colyn. He will win her heart again. And this time, no one can stop him. Even his parents. Not anymore.





Tinignan ni Jeremie ang orasan niya, and it says that it's already 6:50. Parating na si Colyn kaya naman dinouble check niya ang lahat. Ayaw niyang may mali. This night should be perfect for just the two of them.

"Sir.." Tawag sakanya ng waitress niya.

"Nandiyan na ba si Col--"


"Surprise!"

"Mom! Dad!" gulat na sabi niya.

"I've heard na may bagong dish ka daw rito. So inaya ko itong daddy mo na dumaan rito tutal along the way naman kami. And also may kasama ako." tuwang-tuwang sabi ng mommy niya at tsaka may tinawag mula sa labas. Alam na niya kung sino ito kaya hindi na siya nagulat nang pumasok si Caira.

Oo, maganda si Caira. Sexy. Mabait. Maalaga. Pero hindi niya talaga maramdaman ang romantic attraction dito. Kahit ano'ng gawin niya, kapatid ang tingin niya rito. Gusto na nga niyang kausapin ang ninong niya tungkol sa kasal, pero wala pa sa bansa ang ama nito kaya kailangan niya pang maghintay ng ilang linggo. Ayaw na niyang patagalin pa dahil baka malaman lang ni Colyn na ikakasal sila ni Caira. Hindi niya ito sinasabi kay Colyn dahil natatakot siya sa kung ano'ng pwedeng mangyari.


And shet! Speaking of Colyn, papunta na ito rito! Napaka-bad timing naman kasi ng mga magulang niya eh. Kung bakit ngayon pa!

"Bakit pandalawahan lang ata ito?" nakataas kilay na tanong ng mommy niya sakanya.

Tinignan niya ang mga mata ng mommy niya. No more dictations Jeremie. It's your decision now.


"May date kasi ako, Ma." nakangiting sabi niya.

"Oh, hindi mo naman sinabi. Para sainyo pala ito ni Caira." natatawang sabi ng mommy niya.


"I don't think it's Caira whom your son is dating." saad ng daddy niya na nakatingin sa bukana ng pintuan.

Sabay-sabay silang napatingin kay Colyn na halata ang gulat sa mukha pero agad ring nakabawi. Yumuko ito sakanilang lahat.


"Good Evening tita,tito,Caira."


---------

Follow me! @kendeyss (Twitter/Instagram/Ask.fm)

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon