Thirteen

86.7K 1.3K 25
                                    


Medyo SPG

-----

Kanina pa paikot-ikot si Jeremie sa buong resort kakahanap kay Colyn. Kanina pagkatapos ng photoshoot nila ay bigla na lamang itong nag-walk out mula sakanya. Hindi nga niya alam kung ano'ng problema nun at basta basta nalang nagtataray tapos ngayon bigla nalang nawawala. Pati tuloy sila Nanang Lourdes at Mama Lulu ay pinag-aalala nito.


Naku, kapag nakita talaga kita Colyn, patay ka sakin!


Patuloy lang na naglalakad si Jeremie, at palinga-linga sa paligid na baka sakaling makita niya si Colyn pero kanina pa ay wala parin. Gabing gabi na, nasaan na kaya 'yun?

Habang naglalakad, may napansin si Jeremie na parang commotion sa isang bar malapit. Hindi kaya nandoon si Colyn?

Pero .. ano naman ang gagawin nun sa bar? Eh hindi naman iyon umiinom. Pero pumunta parin si Jeremie patungo sa maingay na bar at baka nga nandoon ang taong hinahanap niya.

----

Maingay. Nakakasilaw. Mainit. Pero masaya. Kanina pagkatapos ng shoot ay sa bar na dumiretso si Colyn. She really needs a drink that time. She doesn't know what's going on in her system. Na sa bawat kita niya kay Jeremie, bigla nalang nag-iiba ang pakiramdam niya. Naguguluhan na siya, siyempre alam niya kung ano 'yun pero siyempre ayaw niyang aminin sa sarili niya iyon.

That she's attracted these past few days to Jeremie.

Ayaw niyang mangyari iyon! What happened to "We're better off as friends" niya?! Kakainin niya iyon? No way. Hangga't maaga, aagapan na niya. She tried her best. Oo! Best na niya ang pagtataray kay Jeremie, ang pag-iwas sakanya. Pero palaging epic fail dahil laging nauuwi sa kilig lahat ng iyon. And it's driving her nuts. She can't go back. She can't like Jeremie. She just can't. And she won't.

"Isa pang shot." bakas na sa boses niya ang kalasingan pero kaya pa naman niya. Hindi pa naman nadodoble ang paningin niya pero ramdam na niya ang hilo at init. Agad naman siyang binigyan ng bartender at inisang lagok niya iyon pagkatapos ay nag-iwan nalang siya ng bayad niya sa counter at dumiretso siya sa gitna ng dance floor.

The club is getting more crazy as it gets late. Marami na ang hyper at halos lahat may tama na ng alak kaya marami na ang may lakas ng loob para magawala sa dance floor. And isa na siya doon. She swayed and shake her body like she is a pro dancer. Hindi niya namalayan na nakakakuha na pala siya ng maraming atensyon. Everyone gathered around her cheering her as if they were her fans. Umakyat siya sa isang maliit na bilog na stage at doon sumayaw, she screamed while the music made her more crazy and wild. She tried fist pumping, wiggle her booty. She had all her first times. Ngayon lang siya uminom ng ganito kalala, she can't even stand loud musics pero ngayon ineenjoy niya na ito.

Habang sumasayaw at nagsasaya siya, may bigla na lang humawak sa braso niya at ibinaba siya sa stage. When she turned she saw the reason why she's partying hard. She smiled at him.

"Uy Jeremie! Tara shayaw tayo!"

"No Colyn, we are going home."


"Home? No! Maaga pa oh, tara inom muna tayow!"

Pero mahihpit ang pagkakahawak sakanya ni Jeremie kaya wala siyang nagawa ng bigla nalang siya nitong hilahin palabas ng bar. She waved to say goodbye to the people inside.

Hila-hila siya ni Jeremie pauwi sa resthouse ng kambal.


"I can't believe that you are just in that club Colyn! Alalang-alala kaming lahat sayo. Muntik ng di matuloy sina Nanang Lourdes sa pagluwas na sa Maynila ng dahil sa iyo!"

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon