Ten

86.2K 1.3K 10
                                    



"Okay smile for us Jeremie, that's it. Keep it coming.."

Mula sa kinatatayuan ay pinagmamasdan lang ni Colyn ang baklang photographer at si Jeremie. She must say that Jeremie is one heck of a model. Hindi man professional pero pwedeng makipagsabayan.

He managed to give a great and superb pose in every click of the camera. So ngayon ay inumpisahan na nila ang shoot para sa bagong clothing line ng kambal. At ang theme nila is very Greek. You know typical goddesses and gods. Kaya pala sa may forest part ng resort sila napadpad.

Looking at Jeremie, mukhang impressed sakanya ang mga staffs at lalo na ang baklang photographer. Nakakakaba tuloy at nakakapressure. Hindi naman siya sanay sa ganito.



"Okay! Done with you Jeremie, go change. Miss Colyn, tara na." tawag sakanya ng photographer. Inalis na niya ang balabal niya at lumapit na sa photographer. Nakasalubong pa niya si Jeremie.



"Goodluck.. Yakang-yaka mo iyan." sabi sakanya ni Jeremie nang makasalubong niya.



"Thanks..galing mo. Kakakaba tuloy shet." nalampasan na niya si Jeremie at narinig pa niya na tumawa pa ito. After their conversation yesterday, ay napagkasunduan nila na maging magkaibigan. For now, it's the best way for them. Kita mo ngayon, let's say nabawasan na ang ilangan sa pagitan nila at medyo nagkakaasaran sila in a good way at nakakapag-usap sila ng normal. No pressure.

Nang makapwesto na siya ay binigyan siya ng instructions ng photographer na agad naman niyang tinandaan at pinilit na i-absorb. Sandaling nagpalit lang ng lens ang photographer at tsaka siya muling balingan.

"Okay, let's start. Look at the camera!"

Sinunod naman niya lahat ng sinabi ng photographer. Nakakailang shots na siya at ramdam niya ang init at pagkapagod. Alam din niyang hindi kuntento ang photographer sa shots niya kaya maraming beses siya nitong ininstruct ng dapat i-pose o kaya expession. Pero tila wala talagang pag-asa. Narinig niya itong napapalatak.

"Miss Colyn, don't just look at the camera, siyempre absorb your character, you are a goddess. Isipin mo na ikaw ang pinakamagandang babae sa buong mundo. Kasi looking at your frames, no offense meant, pero walang maniniwala na goddess ka talaga."



Napayuko nalang siya. Eh sa hindi naman talaga siya marunong eh. Narinig niyang napabuntong-hininga ang photographer.



"Okay, let's take a break first. Please absorb what I'm trying to say miss Colyn, we'll start in ten minutes."



Nanlulumong bumalik siya sa kinapepwestuhan niya kanina at umupo sa isang silya roon. Napabuntong hininga nalang siya ng malalim.



"Tired?" napalingon siya sa boses na iyon, umupo sa tabi niya si Jeremie at inalukan siya nito ng tubig na tinanggap naman din niya kaagad at ininom.

"Salamat. I needed that."



"Hindi parin kayo tapos?" tanong nito sakanya. Napansin niyang nakapagpalit na ito ng normal na damit nito.



Umiling siya sa tanong nito at napangalumbaba nalang sa sobrang frustration.



"I don't know what to do. Sinunod ko naman lahat ng instructions niya, kaya lang hindi makuntento sa frames ko. Like duh! I'm a designer not a model."

Natawa naman si Jeremie sa reaksyon niya. "Bakit ako? I'm a chef, a business tycoon and not a model still I managed to accomplish it."



"Psh. Yabang mo. If I know, may pagnanasa lang sayo iyang super sireyna photographer na iyan."



"Bakit nagseselos ka?"



Napalingon siya sa sinabi nito at napakunot ang noo niya. Why brought that up? Bago pa man siya makapagsalita ay dinugtungan na nito ang sinabi nito.



"Joke lang. Kaya mo iyan, kaya mo iyan, kapag natapos mo iyan libre kita ng dinner. Focus and absorb the character. Wag mong isipin na may photographer at mga nanunuod sayo, just imagine that you are a real goddess o kaya ikaw ang pinakamagaling na designer. That's it."



"Okay let's start! Miss Colyn, tara na po at magdidilim na." tawag sakanya ng photographer.



Binalingan niya si Jeremiena prenteng nakaupo habang nakangiti sakanya.

"Thanks, sana magawa ko ito."

"Kaya mo iyan. Just imagine."

"I'll keep that in mind. Basta ah, libre dinner!"

Pagkatapos ay patakbong lumapit na siya sa photographer. Pumikit muna siya and took a deep breathe. And then Jeremie's words flashed back in her mind and suddenly she didn't notice that she was striking her awesome poses in front of the camera."That's it! A little to the right miss Colyn, keep it going."

She just keep striking poses na hindi niya alam kung saan niya nakukuha. Basta ang iniisip niya lang na siya ang pinakamaganda at pinakamagaling na designer sa buong mundo. Oh just by imagining it,she feels like a goddess. Nakikita niya rin sa peripheral vision niya na naglalakad papalapit si Jeremie sakanila at tumigil sa harap ng monitor kung saan makikita ang mga shots niya.She looked at Jeremie and he looks happy and proud. And then nang magtama ang paningin nila, he signed a thumbs up for her and gave her his cutest smile. She just smiled back and looked at the camera.



"Last frame and....were done!"

Napahinga siya ng maluwag dahil at last tapos na rin sila. Gutom at pagod na siya. Pinuri siya ng photographer na ikinatuwa naman niya. Bumalik na siya sa may kinauupuan niya kanina at pabagsak na naupo at pumikit siya habang nakalaylay ang ma kamay niya at nakastretch out ang legs niya.



"Ang gaganda ng mga frames mo ah. Talagang gusto mo magpalibre sa akin."

Still eyes closed ay sinagot niya si Jeremie. "Sino'ng tatanggi sa libre 'di ba? Ano'ng oras na ba?"



"Six pm, why?"



"Mga seven thirty na tayo kumain." pagkasabi nun ay kinuha na niya ang kanyang balabal at isinampay iyon sa balikat niya tapos ay kinuha na niya ang gamit niya.



"Isn't it a little too late?" tanong sakanya nito.



"Maaga pa 'yun. On the contrary, let's make it eight pm."



"Akala ko ba gutom ka?"



"Yeah. Pero pagod rin ako, kaya magpapalit muna ako ng damit at matutulog saglit. Katukin mo ang kwarto ko kapag eight na. Okay?"



Naglakad na siya palayo rito pero may nakalimutan pala siya kaya tumigil siya at umikot.



"Jeremie!"



"Yes?"



"Uh.. Thank you."

=====================

Follow @kendeyss
(Twitter/IG/Ask.fm)

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon