Six

96.3K 1.3K 24
                                    


Pagkatapos ang nangyari kela Colyn at Jeremie ay hindi pa sila nagkikita nito. At iyon ay dalawang araw ng nakalilipas At siguro baka ngayon nalang ulit sila magkikita nito dahil ngayon na ang opening ng Menvasion niya.



Kanina pa siya balisa at patingin tingin sa paligid na baka sakaling nandiyan na si Jeremie. Hindi niya kasi alam kung paano ito haharapin matapos ang nangyari nung gabing iyon.

Yes,they kissed before and maybe even more than that. Pero that was when they were still together. Iba na ngayon, marami na ang nagbago. Pero bakit nung gabing iyon parang nawala lahat ng pagbabagong iyon?



Hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. Kaya kumuha nalang siya ng isang flute ng wine sa mga waiter na dumadaan. Inisang lagok niya iyon at inilapag sa lamesang nadaanan.





May mga ilang bisita na binabati siya sa success ng Menvasion. Pero para lang siyang tanga na tango lang ng tango kapag may sinasabi ang mga ito. Pero ang totoo ay may hinahanap siya.





"Huy,bakit para kang giraffe diyan? Nanghahaba ang leeg mo. May hinahanap ka,ano?" tudyo sakanya ni Erin.



"Wala ah." tanggi niya.





Kung aamin man siya ay hindi kela Erin at Marco dahil mga manunudyo ang mga ito.





"Sus. Kunwari ka pa eh. Alam ko naman kung sino ang hinahanap mo." sabi ni Erin na tinaas baba pa ang mga kilay nito.



"Alam mo Erin, kung hindi lang kita kaibigan matagal ko nang pinilipit iyang leeg mo." inis na sabi niya.



"Oh easy lang girl,aawat na. Ikaw naman hindi ka mabiro eh. Sige na, congrats dito ah! Tsaka hindi ko pa din nakikita si Jeremie eh. Baka na-late lang iyon." natatawang sabi nito.





"ERIN!" sigaw niya rito pero mabilis lang na lumayo ang isa sakanya. Napailing nalang siya sa kaibigan niya. Kahit kailan talaga hindi na mababawasan ang kakulitan niyon.



Magaalas-otso na ng gabi pero wala parin si Jeremie. Pareho kaya sila ng iniisip at nararamdaman? Baka pareho sila na iniisip ang gagawin kung sakaling magharap sila.



"Colyn."



"Ay kabayong talaba! Marco ano ba!"



"Parang tinawag ka lang eh."



"Eh kasi naman eh. Bakit ka ba nanggugulat?"





Paanong hindi siya magugulat eh etong si Marco tatawagin nalang siya may pa-hawak hawak pa. Eh tensed na nga siya.





"Nag-seserve ba dito ng kape? Grabe ang nerbiyos mo. Well anyways, magpapaalam na ko. Ang daming reporters dito, nakakainis na. Tsaka ang sakit na ng panga ko kakangiti."



"Ah. Osige,salamat ah." sabi niya rito.



"Oh. Before I forgot, nasaan na si Jeremie? Hindi ko ata nakikita."



"Ha? Ah. Aba malay ko. Kaibigan mo iyon diba?"





Kumunot ang noo ni Marco sakanya. Napahalukipkip ito at tsaka siya tinignan ng mabuti.





"Matanong ko lang, kamusta naman ang date niyo nung isang araw?"



"O-Okay lang." sagot niya.



'Hinalikan lang naman ako ng ugok mong kaibigan tapos ako 'tong si tanga nagpaubaya naman'





Tumango-tango si Marco. Mukhang may gusto pa itong sabihin pero mas pinili nalang nitong magpaalam na ng tuluyan. Akala niya gigisain pa siya ni Marco pero buti nalang hindi na nito naisipan iyon. Siguro nga naiinis na ito sa kakulitan ng ma reporters sakanya at sa mga fans niya na naghihintay at naghihiyawan sa labas ng shop niya.





Unti-unti ng nababawasan ang mga bisita niya pero wala paring Jeremie na dumadating. Siguro nga hindi din nito alam kung bakit siya nito hinalikan. Busy siya sa kakalikot ng cellphone niya nang may nagsalita sa may likuran niya.



"Hi."



Tila nabitin sa ere ang mga daliri niya na sana ay magtitipa sa phone niya. Huminga muna siya ng malalim at tsaka hinarap si Jeremie na ngayon ay gwapong-gwapo sa suot nitong gray V-neck shirt at maong pants at may hawak hawak na boquet ng bulaklak.



"Hi." ganting bati niya rito.



"Uh.. Here. Para sayo. Sorry na-late ako. May inasikaso pa ako sa restaurant eh."



Kinuha niya ang bulaklak nito at tsaka nagpasalamat.



"Thank you. Okay lang, hindi ko naman hinihingi ang paliwanag mo."



"Ah. Oo nga pala, I just thought that you should know. " sabi nito sabay kamot sa likod ng ulo nito.





God. Why does he have to do that? Ang cute lang niya kasi. Pero teka nga! Why is she thinking that this man is cute?



Umiling nalang siya para mabura ang kaisipang iyon.



"Ah Colyn.."



"Hep. Not here. Tara."





Hinila niya si Jeremie sa loob ng office niya at pagkapasok ay binaba niya ang blinds at ini-lock ang pinto. They need to talk. Pronto.





"Here. Dito mo sabihin ang gusto mong sabihin sakin."



Mukhang nagtataka naman si Jeremie pero nagsalita rin naman ito.



"Ahm. I just want to say congatulations for the success of Menvasion."



Sandaling natulala siya sa sinabi nito. Iyon lang? Iyon lang ang sasabihin nito sakanya? Nakalimutan na ba nito na hinalikan siya nito at hindi na nagparamdam pagkatapos? Tapos congrats lang ang makukuha niya? Wala bang explanation man lang? Aba! Siya itong hinalikan kaya siya ang naguguluhan.



"Iyon lang? Uhn, I mean. Wala ka na bang ibang sasabihin?" paninigurado niya.



"Wala naman akong nakalimutan na sasabihin. I just want to congratulate you." nakangiting sabi nito.



Parang gusto niyang matawa sa sarili niya. Ano nga ba ang bago?



"Ah. Sige salamat ah." tumalikod na siya at bubuksan na sana ang pinto ngunit pinigilan siya ni Jeremie.



"Colyn, may problema ba?"



"Problema?! No! Wala akong problema. Ikaw may problema ka ba? Sa tingin ko meron eh. Nakakainis ka! Bwisit!" nagdadabog na lumabas siya ng kwarto leaving Jeremie dumbfounded.



----

Hindi alam ni Jeremie kung paano siya magpapaliwanag kay Colyn about sa nangyaring panghahalik niya rito. Well kasi miski siya nagulat sa nangyari. He just felt the urge to kiss Colyn. Mahal niya parin eh. Pero hindi niya masabi at maamin dahil alam niyang may dapat pa silang ayusin. Or should he say na dapat niyang ayusin. Hindi naman niya pwedeng sabihin ng basta basta kay Colyn na mahal pa niya ito. Baka hindi lang sampal ang abutin niya rito.





Kaya nga nagpalate siya eh. Dahil hindi siya sure kung paano ito haharapin. Pero ito naman siyang tanga, na-chicken out siya.



Of course Colyn needs an explanation pero hindi niya alam kung paano. Paghahandaan nalang niya muna ito.

------

Follow @kendeyss
(Twitter/IG/Ask.fm)

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon