Eight

88.6K 1.3K 13
                                    


Nagpalipat ang tingin nina Nanang Lourdes at Mama Lulu sa magkatabing sina Colyn at Jeremie.



"May problema ba kayong dalawa?" tanong ni Nanang Lourdes kay Jeremie.



"Wala po Nanang." sagot naman nito.



Nagkita sila sa isang branch ng botique ng magkambal na 'The 'D' Trend". Hango ang pangalan nito sa stage name ng kambal na Desiree at Demetria na parehong nagsisimula sa letrang D.





"Mabuti naman, dahil baka makaapekto iyang sa gagawin natin. So if you have problems with each other you better clear it out first." sabi naman ni Mama Lulu.



Napabuntong-hininga nalang si Colyn. Kanina lang kasi tinawagan siya ni Mama Lulu at iyon nga pinapapunta siya sa botique nito dahil may sorpresa daw ito sakanya. At nang dumating siya ay iyon nga ang bumungad sakanya. Si Jeremie na kasama si Nanang Lourdes. At mukhang hindi rin alam na magkikita sila nito. Naalala niya tuloy ang tagpong nabuo ang pangako nila sa magkambal.



'FLASHBACK'

"Alam mo mas mabuti pang huwag na tayo mag-usap!" sigaw ni Colyn kay Jeremie. Nasa park sila nito at pinagtitinginan na nga sila ng tao dahil kanina pa sila nag-aaway na dalawa.



"Ayan ka nanaman! Kung ayaw mo eh 'di huwag!" ganting sigaw ni Jeremie at tsaka naglakad palayo kay Colyn.



Lagi nalang sila nag-aaway nito, nagseselos kasi siya sa babaeng katrabaho nito. May karapatan naman siyang magselos eh pero etong si Jeremie binabalik sakanya ang sisi.



Napaupo nalang si Colyn sa bench at humagulgol ng iyak nang biglang may tumabi sakanyang babae na sa tingin niya ay nasa late forty's na nito. Medyo nakilala niya ang babae pero hindi niya masyadong maaninag ang mukha dahil sa nakasuot ito ng malaking sumbrero at naka-shades pa. Inabutan siya nito ng panyo na tinanggap naman niya.





"You know what, kanina pa namin kayo tinitignan. Buti nalang hindi kayo pinapansin ng mga tao dahil hindi nila kayo maintindihan."



Nasa States kasi sila dahil dito sila nagkakilala ni Jeremie.

"Pilipino ka?"



"Obvious ba?"



Oo nga naman.

Napaka-bobo naman kasi ng tanong niya.Narinig na nga niyang nagtagalog eh.


Siguro napansin ng matanda na napahiya siya kaya tumawa ito at tinanggal ang shades nito.



"You..D-Demetria!" gulat na sabi niya. Sikat ito at idol niya ito sa larangan ng fashion.



"For now, Mama Lulu nalang. Alam mo hija, dapat hindi mo sinigawan at inaway ang boyfriend mo sa harap ng maraming tao."



"Hindi ko po siya boyfriend--"



Dudugtungan niya na sana ang sasabihin niya nang biglang magsalita ulit ito.



"Kahit na hindi mo siya nobyo, mali parin ang ginawa mo. You see, you are in a public place, of course he will be embarassed on how you acted. "



"Kasi naman po siya eh..." nagsisimula nanaman tumulo ang luha niya.



"I know, sa lakas ng pagsisisigaw mo narinig namin lahat. Pero intindihin mo din siya, sana nag-usap nalang kayo ng maayos hindi yung nagsisigawan because it will just worsen everything."



The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon