Twenty five

77.6K 1.4K 72
                                    

"Kasi totoo ang ngiti mo rito, and I haven't seen you smile like this again. Simula nang nagkita ulit tayo, this is the first time that I saw that smile again. That smile that made my heart flutter with joy and calmness. And I want you to smile and be that happy again.. Colyn, how can I make you that person again?"

Matagal bago sumagot si Colyn sa sinabi ni Jeremie. Paano nga ba?

Paano nga ba? Dahil miski siya hindi alam ang isasagot.




Nilapitan siya ni Jeremie at hinawakan ang magkabilang kamay niya at tinitigan siya ng mataman.



"Tell me Colyn, how can I bring that back? Because I will do whatever it takes just to see that again."


Nanlalabo na ang mga mata ni Colyn sa nagbabadyang luha niya. Bakit ba kasi ganito si Jeremie? Kakain na nga lang sila nagpapaiyak pa. Bigla na lamang nito hinaplos ang pisngi niya at pinunasan ang kanyang mga mata.


"How Colyn?" bulong nito sakanya hanggang sa unti-unti nang lumalapit ang mukha nito sakanya.

Hindi niya namalayan na naghahalikan na sila nito. Bakit ang bilis-bilis niyang bumigay rito?

Dahil ba sa mahal niya parin ito?

Teka? Inamin niya lang ba sa sarili niya na mahal na niya talaga ang lalaking nanakit sakanya ng husto?


Unti-unti siya nitong hiniga sa kama hanggang sa pumaibabaw na ito sakanya. He started kissing every part of her face. Her forehead down to her nose, then on her cheeks and once again, her lips.



She was heating up and she knows that he is too. Tama naman siguro ang ginagawa niya, mahal niya si Jeremie. Iyon na muna ang importante sa ngayon. Jeremie's kisses went down to her neck that made her wanting more. There's a tingling sensation she felt whenever Jeremie touches her. And damn, it just feels so good.



His hands are now busy unbuttoning her shirt just when she heard a certain voice that made her open her eyes. Nang tignan niya ang lalaking nasa ibabaw niya ay tila wala itong narinig naman, kaya naisip niya na baka guni-guni lang niya iyong narinig niya.. pero para talagang boses ni..



"Jeremie!" rinig niya ang pagtawag mula sa living room.

"Shit."

Mabilis niyang tinulak si Jeremie na naging dahilan upang mahulog ito sa kama. Agad siyang tumayo at inayos ang gusot-gusot niyang damit, pumunta siya ng banyo para magsalamin at inayos ang buhok at lagpas na lipstick dahil sa paghahalikan nila ni Jeremie. Hindi niya alam na sumunod pala ito sakanya sa banyo. Nakakunot ang noo, na halatang inis na nabitin ito. Gustuhin man niyang tumawa sa sitwasyon nito pero hindi pwede.


"Bakit parang tarantang-taranta ka Colyn?" naiinis paring tanong nito sakanya.

"Hindi mo ba narinig? May tao sa baba Jeremie! Si Caira, nasa baba." mabilis na sagot niya.

"Imposible naman iyan. Hindi pa pumupunta rito si Caira kahit kailan, tsaka bakit siya pupunta rito?"


She looked at Jeremie. "Bakit ako ang tinatanong mo niyan? Aba malay ko kung bakit siya nandito!" inis na sabi niya.

Maya-maya lang, kumatok ang maid sa pintuan.

"Sir, may naghahanap po sainyo, Caira daw ho ang pangalan." sabi nito kay Jeremie.

"Sige ho." sagot nito.



Pagkalabas niya ng banyo, nakita niya si Jeremie na nakaupo sa kama.

"Bakit nandito ka pa? Babain mo na kaya si Caira."


"Sabay na tayo." agad itong tumayo at hinila siya palabas. Hindi siya makaalma dahil sa pagkabigla.

Shet malagkit!

Gusto niyang kiligin sa mahigpit na hawak ni Jeremie sa kanyang kamay, na parang sinasabing hindi siya nito bibitawan pero tangina lang! Natataranta talaga siya. Ano nalang ang sasabihin ni Caira?


Pilit niyang tinatanggal ang pagkakahawak sakanya ni Jeremie pero mahigpit talaga hanggang sa makababa sila. Nakita niya ang biglang pagtayo ni Caira at ang pagsulyap sa magkahugpong kamay nila ni Jeremie. Hindi siya makatingin rito ng diretso dahil feeling niya mali ang ginagawa niya.


"Ano'ng ginagawa mo dito Cai?" narinig niyang tanong ni Jeremie.


"Uhm..wala. I asked your address to your mom para sana bisitahin ka.. Uhm..Hello Colyn, I didn't expect you are here."



Huminga siya ng maluwag at tumingin kay Caira. Nginitian niya ito ng tipid. "Hi, uhm. Paalis narin ako."

"Kakain pa tayo Colyn. At tsaka ihahatid kita mamaya pagkakain natin." pigil sakanya ni Jeremie.


"Pero may bisita ka. Makakaistorbo lang ako."

"No, kakain tayo. Sayang ang niluto ko para sa'yo."


Hindi na siya nakaalma dahil ginamit nanaman nito ang commanding tone na ikinakatakot niya talaga.

"Kumain ka na ba Caira?" tanong ni Jeremie.

"Uh..h-hindi pa." sagot nito. Gamit ang paa, itinulak ni Caira ang isang paper bag sa ilalim ng lamesang nasa living room na naglalaman ng mga sangkap na sana ay lulutuin niya para sakanila ni Jeremie. Pero nagluto na pala ito, ang masakit pa ay si Jeremie mismo ang nagluto para kay Colyn. But she will not give up. She has to fight. She loves Jeremie, kahit na alam niyang dehado na siya, gusto niya paring ipaglaban ito.

Nagsimula na silang kumain. Tahimik lang ang tatlo sa pagkain nila, until Jeremie broke the silence.

"Masarap ba Colyn?" tanong nito.


"Ha? Ah-oo! Masarap. 'Di ba Caira?" sagot ni Colyn at nagthumbs up nalang kay Jeremie at tinignan si Caira.

"Yeah.." mahinang tugon nito.


Again, silence reigned their dinner. Until Jeremie's phone rang and he had to excuse himself kaya naiwan ang dalawang babae.

"So..nag-date kayo?" Lakas loob na tanong ni Caira kay Colyn.

"Yes."

"You know that I love Jeremie, right?" tanong ulit ni Caira.

"Yes."

Tumango na lamang si Caira at ipongpatuloy ang pagkain hanggang sa nagsalita si Colyn.

"Mahal ko rin siya, Caira."


Napatingin si Caira kay Colyn. Nakangiti ito ng natural.

"Sinasabi ko lang rin sayo Caira para hindi ka na magulat. Na kagaya mo, ipaglalaban ko rin siya dahil mahal ko siya." sabi ni Colyn.

Ngumiti si Caira kay Colyn. "I understand, and katulad mo hindi rin ako susuko sakanya. Lalo pa't ikakasal kami."

Hindi na nakapagsalita pa si Colyn dahil dumating na si Jeremie, pero nakalimutan niya ang impormasyon na iyon! How could she forget that the man he loves is engaged? And how could she forget that his family hates her?

Hanggang sa matapos ang dinner, kaagad na nagpaalam si Caira. Matapos naman nito umalis, ay nagpahatid narin siya kay Jeremie sa bahay niya.

"Hey, why are you so silent?" agad na tanong nito sakanya pagkahatid nito sakanya sa tapat ng bahay niya.


"Naalala mo pa ba yung tanong mo sa'kin kanina? When you asked if how can you make me smile again that genuine? I think alam ko na ang sagot."

"Ano? Tell me." hinawakan siya nito sa kamay.


"Don't ever leave me again."


=====================

Follow me @kendeyss
(Twitter/IG/Ask.fm)

The EX Effect [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon