47: BLOODY CROSS

552 19 0

Misty's POV:

Unti-unti nang naalarma ang lahat sa mga nangyayari sa aming section. Yung iba nababahala na baka madamay sila sa kaguluhan na napasok namin. Kaya yung ibang friends ko sa ibang section nilalayuan na ko. Halos lahat nagtataka na rin sa pagkawala ni kiel Lazaro.

Matapos kasi nitong mag walk-out Hindi na ito muling bumalik. Sinabi nang iilan na baka tumakas na dahil ayaw sigurong madamay sa sumpa nang section namin. Pero kaming mga kaklase nito ay Hindi na naniniwala.

Malabo kasi na tumakas yung bakla na yun siguro nga takot din siya sa banta na ginagawa sa lahat pero Hindi naman iyon sapat para takasan niya kaming lahat Hindi naman siya ganyun kaduwag.

Kasalukuyang nasa church ng school ang lahat para maghanda ng misa sa mga namatay na istudyante ng section-ace. Kitang- kita ang pag iwas nang mga istudyante na madikit sa section namin.

Halos lahat nasa kanan na direksyon at doon nagsiksikan habang kaming section-ace ay nasa kaliwa na malaki ang ispasyo nakalaan.

"Langya. Kami na may virus magsiksikan pa kayo. Para Hindi kayo mahawa at baka kasalanan pa namin pag namatay ang isa sa inyo.!!"= naiiritang pagpaparinig ni Britney sa ibang istudyante.

Walang pasabing tinakpan ni ken ang bibig ni Britney. "Brit naman ang ingay mo talaga hayaan mo na lang sila kaysa magparinig ka diyan."= sermon ni ken dito.


Isang kagat naman ang ginawa ni Britney dito kaya napahiyaw na lamang ito sa sakit at nagsitinginan lahat ng tao sa section namin maski yung pari napatingin. Ang ingay kasi ng dalawang toh.


"Tigilan niyo nga yan pinagtitinginan na tayong lahat dahil sa ingay niyong dalawa."= asar na sambit ni Nathalie na naka focus lamang ang tingin sa harapan


Kung titingnan parang simpleng section lamang kami yung tipong may mga maiingay may mga tahimik at may mga classy kung kumilos. Pero sa lahat ng section. Kami lang ang naiiba dahil sa dalawang rason. May kriminal na pagala gala at nakikisama sa section namin. At ang huli may taong inosente kung titingnan pero demonyo pala.



"Magsiyuko ang lahat para sa pag-alay ng taunang dasal sa mga namayapang kaluluwa ng pangkat ace.. Ngayon taimtim na pumikit ang lahat at manahimik na magdasal"= nagsisunod naman ang lahat sa sinabi ng pari.


Nagkaroon ng katahimikan at lahat ay nag-alay nang dasal. Ang iba ay nagdaldalan kahit nakapikit pa sa mga katabi nila. Tsk. Nagdadasal pero inuna pa ang makipagdadaan.


Sa kalagitnaan ng katahimikan ay tila lumamig ang aking kinakatayuan. Pansin ko namang Hindi nagsisigalawan ang mga dahon sa puno kaya papaanong may hangin na dumadampi sa aking balat.


"Hindi ka pa ba tatakbo sa iyong kinakatayuan Misty Quentin. Ikaw na ang isusunod niya kaya ngayon palang tumakbo ka na."= napadilat ako ng makarinig ako ng isang boses na nanggagaling sa aking kanan na tenga.


Section-Ace: {CLASS PICTURE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon