64:TRAGIC CLASS PICTURE

561 20 1

-Those who don't know the value of loyalty can never appreciate the cost of betrayal.-

Akari's POV:

Amoy ng masangsang na dugo. Ayan agad ang aking napansin ng mamulat ako mula sa pagkakawala ng aking Malay tao. Kanina. Halos lumuwa ang aking mata ng makita ang lugar kung saan kami idinala ng tatlong iyon. Puno ng bangkay na naagnas ang aking nakikita ang ibay halos inuuod na.



"Wag mong tingnan masusuka ka lamang kung titingnan mo pa lalo."= mula sa kaliwang direksyon kung saan nakahiwalay ito sa aming lahat ay  nakita Kong kahit nanghihina ay nagsasalita pa si Frince.


Agad namang hinanap ng aking mga mata kung saan naroroon si Miler. Halos mangiyak na ako nang Hindi manlang ito gumagalaw sa kanyang inuupuan matapos barilin ni Sophie.


"Punasan mo na yang luha mo at tumingin ka kay miler pansinin mo maigi. Akari."= napatingin naman ako sa direksyon ni miler at gaya ng sabi ni frince pinansin ko nga ito ng maigi.



Kahit na napapalibutan kami ng mga bangkay ay pilit ko paring inaabot ng tingin ang direksyon nito. At napanatag ang aking loob na humihinga pa ito. Hindi ko naman maitago ang pandidiri na sa bawat tabi naming upuan ay may katabi kaming naagnas na bangkay.



"Natutuwa ka ba sa iyong nakikita?, Hindi bat ang sayang tingnan muli na naman tayong nabuo. Pero puros patay na nga lang ang mga kaklase natin. Yung iba sa sobrang tagal inaagnas na. Matuwa ka at yung ibang katawan diyan hinukay ko pa sa libingan."= ubod ng pagmamalaki nitong saad sa amin.



Tila nangilabot ako sa pinaggagawa nito ganito ba siya kabrutal at kabaliw para hukayin ang mga patay na nanahimik sa kanilang libingan. Napatingin ako sa paligid at Hindi maiwasang isipin na ganito ang sinapit ng iba sa pamamagitan ng kanyang ka brutalan.


Yung ibang mga patay kong kaklase nakikita na ang mga lamang loob, pugot na ulo, nakatahi ang mga bibig, mga sunog na yung katawan, butas ang ulo o puso. Yung iba nawawalan pa nang mga parte ng katawan.




Yan ang mga nakapalibot na katawan sa amin. Na siyang nakaprenteng inayos sa mga upuan. Pansin na pati katawan ng principal at ni Mr.Winston Hindi din niya pinalagpas. Umiinit na ang ulo ko dito.




"Hibang ka na talaga. Ano toh reunion ? Reunion ng mga pinatay mo! Nanahimik na yung iba hinukay mo pa! Wala ka talaga sa pag-iisip.!"= I said na halos sumakit na yung lalamunan ko sa kakasigaw.

Section-Ace: {CLASS PICTURE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon