44: ART OF DEATH

558 17 0

Akari's POV:

Halos natatakot na ang lahat sa mga sunod - sunod na patayan na nagaganap sa naturang section namin. kaya yung mga taga ibang section ay umiiwas na mapadikit sa isa man na kabilang sa section namin. Tinaguriang curse section ang section namin kaya halos lahat ngayon sinumpang mga istudyante sa amin.



"Oh bakit raming tao akala ko ba tinuturing na tayong virus ng mga taong yan."= tila naasar na sabi ni Nathalie habang palapit kami ng palapit sa room namin kung saan nagkukumpulan ang napakaraming tao.



"Parang may tinitingnan sila sa loob. Bilisan niyo nga maglakad para makita natin."= utos naman ni ken na akala mo naman boss lang kung makautos.




Lumakad naman palapit si Britney dito at isang kutos ang natanggap ni ken mula rito. "Bago pa kayo mag gantihan tigilan niyo na yan at tingnan natin kung ano na naman pinagkakaguluhan nila"= miler said na inawat yung dalawa.



Nagsisunod naman ang lahat sa sinabi nito at agad kaming nagpatuloy sa paglalakad papunta dito. "Excuse me, makikiraan lang. Excuse po"= kanya-kanyang sabi namin habang nakikipagsiksikan sa mga nagkukumpulang istudyante na taga kabilang section.




"Excuse me nga, ano ba kasing pinagkakaguluhan ninyo sa room namin pwede ba bumalik kayo sa room niyo. Kay aga-agang harang sa daan."= naiiritang sabi ni Sophie habang patuloy lamang kami sa pag-usad para makarating sa harapan.




Sige lang kami sa pagsiksik hanggang sa mapatigil ako sa aking narinig. "Tunay ngang minamalas ang section nila. Halika na umalis na tayo at matulad pa tayo sa babaeng yan."= sabi ng isang babae na kabilang sa section - jade. Sa kanyang kaibigan sabay hila rito.




Babae ? Sino kaya ang tinutukoy nito? Sa pagkakatigil koy Hindi ko namalayan na nasa harapan na pala sila at ako na lang ang naiiwang makipagsiksikan. Nagpatuloy ako sa pag usad hanggang sa makita ko na sila sa harapan.




"Bakit ayaw niyo pang pumasok. Ano bang meron sa loob?"= tanong sa kanila ngunit tila tulala lamang Sila na nakatingin sa isang direksyon.




Wala manlang sumagot sa akin. Kaya napatingin ako sa direksyon na ang lahat ng tao na nagkukumpulan ay doon nakatingin. Sinundan ko ang mga tingin nila. At nakita ko ang isang katawan ng babae.




Katawan ng babae na nangangalang May. Isa sa kaklase namin. Nakatali ang leeg sa gitna ng kisame ng aming room na tila ginilitan at kita na ang ugat. Walang mga mata at nawawala pa ang isang parte ng kaliwang tenga. At higit sa lahat nilalamon ng mga daga ang lamang loob niya na biniyak talaga ng sadya.




Nagsitakbuhan naman sina britney sa kadahilanang Hindi nila maatim ang pandidiri at nakakasukang Amoy. "Umalis na muna tayo dito tutal wala na rin tayong klase. Halika na akari."= miler said. Tumango naman kami at sumunod.




Section-Ace: {CLASS PICTURE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon