36:INNOCENT OR CRIMINAL

541 20 2

Nathalie's POV:

"Hoy,miss gising. Makakalaya ka na. Kaya bilisan mo at mag-ayos ka na para makaalis ka na"= seryosong saad ng tagabantay na nagiikot sa lahat ng selda dito sa kulungan.



"Po?, makakalaya na ko? Pero Hindi po ba, ngayon na din po magaganap ang paghatol sa kaso kaya bakit po papalayain niyo na po ako?"= lito Kong sabi na ikinabugnot naman nito dahil sa tanong pa ko ng tanong.




"Bakit ayaw mo bang lumaya?"= irita nitong tanong na tumaas pa ang boses.



"Gusto po pero ano nga pong dahilan nang pagkalaya ko? Sa pagkakaalam ko matibay ang nakuhang ebidensya laban sa akin. Kaya papaanong maabswelto ako sa kaso.?"= I said na tinarayan pa ako bago sumagot.



"Ang kulit mo noh. Ganito kasi iyon. May isang witness ang siyang nakakita kung sino ang totoong pumatay sa michaela. Itinuro nito kung saan nagtatago ang suspek na siyang gumawa nitong krimen. Kaya nahuli nila ito. At nawalang sala ka sa lahat ng Binibintang sayo. Kaya ngayon makakalaya ka na bilisan mo na diyan"= she said at umalis na agad bago pa ulit ako makatanong dito.



Sino namang witness ang nakakita nito. Yung nahuli kayang suspek ang tiyang totoong gumawa nitong krimen Kay michaela.



Inayos ko na nang maigi yung gamit ko at umalis na sa seldang kinasadlakan ko. Pero bago ako umalis ng tuluyan sa presinto at inalam ko muna kung sino yung taong hinuli nila kung si K.I.S ba yung nahuli nila or may kinalaman lang siya dito?



"Prison 201 may bisita ka!"= tawag ng isang pulis sa kanya at lumabas naman ito mula sa kanyang kulungan at akoy hinarap.



"Sino ka? Anong kailangan mo? Wag mong sabihin kasamahan ka din ng taong nagpakulong sa kin dito? Hindi pa ba sapat na pinakulong niya ko dito ng wala namang kasalanan.! At pinapunta ka pa niya!"= sunod-sunod nitong tanong at sagot sa akin. Ni Hindi manlang siya mahinahon kung makipag-usap sakin.



"Ahmm. First of all Hindi po ako narito para sa taong sinasabi niyo. Hindi ko nga po kilala yung sinasabi or tinutukoy niyo. At ako nga po pala si Natalie david isang mag-aaral sa crim britch high. Pumunta po ako dito para magtanong at mabigyang linaw kung kayo ba talaga yung taong hinahanap ko?"= I said na sa mahinahong pananalita.



Section-Ace: {CLASS PICTURE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon