42: SUICIDAL ENDING

580 22 0

Akari's POV:

Halos lahat ay kanya-kanyang inaabalahan ngayon na kasi ang araw kung saan ang lahat ay dapat magsi handa para Hindi maging katawa-tawa ang aming inihandang play sa kapwa naming istudyante ng crim britch high.

Dahil hindi naman kami kabilang sa mga mag-aact ay nagsiupo na kami pagkatapos ng aming tungkulin kung saan kami naka assign. Kita ang kaba ng mga aarte ang iba ay sige kabisado ng mga linya na kanilang sasabihin mamaya.

Napatingin na lamang kami sa harapan kung nasaan si Stacy na siyang mismong kinakabahan nang lubusan. Siya kasi ang director nitong play. Kaya ganyan na lang kung kabahan.

"Hoy. Clarence lapitan mo kaya si Stacy. Kanina pa kinakabahan oh. Dali lapitan mo na"= mula sa pagkakaupo ay nilapitan siya ni Britney at hinigit para tumayo.

"Baka dumagdag pa ko sa kaba niya. Wag na lang makapang perwisyo pa ako Brit. Kayo na lang."= Clarence said.

"Tayo na Arte naman oh. Ayaw mo di wag lika na girls sasabihin na lang natin Kay Stacy na ayaw mo siyang lapitan. "= pagbabanta ni Sophie.

Tila napatayo naman ng biglaan si Clarence kaya napatawa na lang ang lahat. Kailangan pa pala bantaan haha. Humakbang naman ito kaagad at lumapit kay Stacy.

"Kinakabahan ako. Sana naman wala mangyari na Hindi inaasahan. Katulad na lang nang mga lumipas na araw. Lagi na lang kasi may surpresa ang taong kriminal na iyon kapag nagkakaroon ng kasiyahan."= I said.

Napatingin naman lahat sila sa akin. At tila napatahimik sa aking sinabi. "Wag kang mag-alala darating yung oras na matitigil din ang mga masasamang nangyayari na ito sa atin. Maniwala ka lang."= miler said. Sabay Napasandal na lamang ako sa kanyang balikat.

"Magsaya na lang tayo. At kalimutan niyo muna ang lahat ng mga Hindi kanais-nais na ating naranasan. Sa ngayon. Manuod na lamang tayo at ipagdasal na hindi magkamali ang mga a acting. "= ken said tapos ngumiti sa amin. Ngiti din ang binalik namin.

Pagkatapos ng ilang oras ay nagsidag saan na ang lahat ng ibat-ibang section para panuorin ang play namin.Umupo na lahat sa kani-kanilang upuan at maya-maya na magsisimula ang play.

Someone's POV:

Tila dinagsa talaga ng mga istudyante mula sa ibat- ibang section ang naturang play na gagawin ng section- ace. Tiyak na magiging maganda ang katapusan ng play na ito.

Section-Ace: {CLASS PICTURE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon