59: TRAIN TO DEATH

770 25 4
                                    

- kill them with success and bury them with a smile. -

Akari's POV:

Halos tikom ang mga bibig at tulala lamang na nanahimik ang mga lalaki samantalang umiiyak naman ang mga babae sa pagkawala ni nathalie. Hindi naman inaasahan na aabot pa sa ganitong pangyayari ang pagdating namin upang iligtas ang ngayon walang buhay na ding si clarence.

"Tila nakakatuwang pagmasdan ang mga mukha ninyong lahat. Hindi ko naman inaasahan na ang isa sa inyong magkakaibigan ang siyang susunod sa aking kagustuhan. Ni hindi manlang ako nahirapan. Nakakatuwang kayong magkakaibigan ay nagpapatayan para lang makalaya."= tuwang pagkakasambit nang boses na nanggagaling sa speaker.

Halos lahat iisa lang ang nararamdaman yun ay ang pagbayarin ang taong nasa likod nang boses na siyang kumakausap sa amin habang kami ay nakakulong sa sarili naming classroom.

"NGAYON MASAYA KA NA BA! WALANG HIYA KA WALA KANG AWA! TAO KA PA BANG MAIITUTURING HA!!! MAY NAMATAY NA TAO DAHIL SA KAGAGAWAN MO TAPOS TUWANG TUWA KA PA!! GANYAN NA BA ANG TAONG KINAIN NANG GALIT PARA LANG MAKAPAG HIGANTI!"= halos nagwawala nang sambit ni britney habang pinagpuputok ang hawak nitong baril sa mismong speaker.

"Tama na yan brit! Tumigil ka na! Pls. Lang tumigil ka na wala na ding tayong magagawa patay na sila hindi na natin maibabalik ang mga buhay nila"= ken said na maluluhang pinipigilan si Britney na niyayakap pa patalikod.

"Tama si ken, britney. Kahit magwala ka diyan. Hindi pa din magbabago na patay na sila kaya pwede bang manahimik ka diyan"= sophie said na tila ngayon lang na nakapagsalita matapos masasak sihan ang ginawang pagbaril ni miler kay andrei.

"Yung pangako mo!"= sigaw kong sambit sa speaker na kung saan matiimtim lamang itong naririnig.

Section-Ace: {CLASS PICTURE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon