50: TWIN MURDERERS

550 21 0

Someone's POV:

Simulat sapul nang aming pagkabata ay Hindi kami namulat nang aking kakambal sa pagmamahal at pag-aaruga na dapat aming tinatamasa bilang isang anak dahil simulat bata pa lamang ay mulat na kami sa katotohanan na ang aming pamilyang kinakabilangan ay Hindi kailanman magiging normal na pamilya.


"Saan ka galing. ?Bakit ngayon ka lang? Uminom ka na naman ba? Sabihin uminom ka na naman at yung sahod na kinita mo ? Binigay mo na naman sa kabet mo pati sa anak mo sa labas.!!! Sagutin mo ko !!!"= galit na kinompronta ng aming ina ang aming ama na animoy lasing na lasing nang umuwi ito sa aming tahanan.



"Alam mo Hindi ako umuwi dito para lang salubungin nang bunganga mong walang katapusan. ( naiirita nitong sambit sabay dinuro pa ang noo ng ina namin. ) kung ako sayo ihanda mo na yung pagkain at nagugutom na ko! Dalian mo!"= walang pakundangan nitong sambit sabay upo sa harap ng aming lamesa.


Habang nag-aaway ang mga magulang namin ay nagtatago lamang kami at sumisilip sa ilalim ng hagdanan ng aming tahanan. Tanging walang imik lamang ang aming ginagawa kapag nag-aaway ang dalawa.


"Oh ano pa tinitiningin mo diyan inuutusan kita ihanda mo na yung pagkain at nagugutom na ko kanina pa!"= tila parang bingi lamang na sinisigawan nito ang aming ina na siya namang nakatahimik lamang.



"Tsk. Kay kapal talaga nang mukha mo. Walang pagkain dito. Bakit di ka kasi nakikain sa kabet mo natural doon ka na rin lamang umuuwi at minsan lang dito.!!!"= pahapyaw na sinigawan nito ang aming ina na lumuluha.



Tumayo mula sa pagkakaupo ang aming ama at tinaob ang lamesa. Halos mapatalon kami sa gulat ng aking kambal sa ilalim ng hagdanan na aming pinagtataguan.


"Wala ka talagang kuwenta ! Maski lutuan manlang at ipaghain ako Hindi mo pa magawa.!!!"= galit na galit nitong itinulak sang aming ina.



Sa ginawa nito bigla namang napatayo ang kakambal ko. "Saan ka pupunta dito ka lang."= mariin kung hinawakan ang kamay nito ngunit tinabig Niya lamang.



"Pupunta lang ako sa kusina may kukuhain lamang ako kaya wag kang mag-alala"= nginitian niya ako sabay patong ng kangyang kamay sa aking ulo at ginulo gulo ang aking buhok bago tuluyang umalis.



Section-Ace: {CLASS PICTURE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon