43:INSTRUMENTAL KILLING

537 19 2

Akari's POV:

Ingay ng Patak nang ulan ang tanging maririnig. Halos lahat ng istudyante ng naturang paaralan ng crim brich high ay kasalukuyang tahimik at taimtim na naglalakad para ihatid sa huling hantungan ang dalawang istudyante na nabibilang sa aming section.



Kanyang kanyang payong at iyak ang lahat lalo na ang aming section. Tila nakikisabay ang panahon sa pagluksa naming lahat. Tunog ng malamyang instrumento ang handog para sa aming kamag-aral hanggang sa huling hantungan.


Maya-maya nang makarating na kaming lahat sa sementeryo ay agad kaming sumilong sa tent na inihinda ng paaralan. Nag-alay muna kaming lahat ng dasal at pagkatapos ay ang huling paalam para sa kanila.


"Abby and Terrence kahit na na may pagkasama mga ugali ninyo sa amin ay ma miss pa rin namin kayong dalawa. Sana kung nasaan man kayong dalawa ay maging masaya kayo."= misty said sabay akmang pinupunasan yung luha niya.


Pagkatapos ni misty ay may isang tao naman ang lumapit at siyang nagsalita. "Si abby she's not the girl na magugustuhan mo. Maarte, malandi at inggitera yan lang naman ang famous traits niya. Kaya Hindi ako malulungkot na namatay siya. Katangahan din niya sinasaksak niya ang sarili niya. At si Terrence katulad ni Abby tanga din ginawang tubig ang lason. Katangahan. At kung iisipin Hindi na ako magtataka kung sa impyerno mapupunta ang dalawa na yan."= walang habas manlang na sabi nito sabay ngiti na tila anghel.



Hindi manlang kita ang mukha nito tanging mata lamang ang kita. Balot na balot ang katawan nito na tila ayaw pa ipakita ang kutis or ayaw masikatan manlang ang mukha niya . nagmadali din itong umalis ni Hindi manlang hinintay matapos.



"Akari. Kanina ka pa tulala diyan sino ba tinitingnan mo.?"= miler asked.



"Ah.wala halika na bumalin na tayo at mapagalitan pa tayo kung mahuhuli tayo."= I said at hinila ang kamay niya.


Ang tao na iyon. Siya din ba yung tao na nakita ko rin sa libing ni timmy.? Kung siya iyon posible kayang siya din ang hinahanap namin ng suspek sa krimen na ito.



June's POV:

Pagkatapos ng naturang libing ay kanya-kanyang balik ang mga istudyante upang ipagpatuloy ang mga klase. Kami namang parte ng banda ng paaralan ay nagtungo muna sa music club upang ibalik sang mga instrumento na aming ginamit. Nang maibalik ng iba ang kanilang instrument ay bumalik na sila sa room pero kami ni may nanatili muna dito.



"May. Sana pagkatapos ng nangyari kina Abby ay matigil na ang pagpatay. At Hindi na tayo madamay pa."= I said habang ginugulo ang buhok niya dahil sa nakahiga ito sa aking lap.



Section-Ace: {CLASS PICTURE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon