49: SECRETS REVEAL

572 19 7

Akari's POV:

Pagkatapos ko makita yung address agad ko nang tinawagan sina Nathalie at miler para alamin ang impormasyon na matatagpuan namin sa naturang lugar na iyon.

Nagtanong-tanong kami kung saan matatagpuan ang address na aking nakuha at tinuro lang naman kami ng mga taong napagtanungan namin sa isang mental Institution.

"Sigurado ka ba na may magbibigay ng impormasyon tungkol sa taong hinahanap natin. Alam mo namang puros di matitino ang mga utak ang nandyan sa loob nito."= pangkukuwestiyon ni Natalie sa akin.

"Wala namang mawawala kung susubukan nating magtanong. Malay ninyo dito pa natin matatagpuan ang mag-asawang umampon Kay kana."= I said na pinatutungkulan ang nasabing pangalan ng sister na aming binisita kumakailan lamang.

Pagkatapos ng ilang segundong dekusyon ay pumasok din kami sa loob ng pasilidad. Inuna muna naming itanong kung may mga pasyente ba silang nangangalang arjo at rick ibuki.

Pero Hindi namin inaasahan na meron nga. Ang mga magulang pala na umampon dito ay ngayon nasadsadlak na sa ganitong pasilidad. Pero paano?

Umupo muna Kami at naghintay ng ilang Segundo bago harapin ng mga taong hinahanap namin. Pagkalabas pa lamang nila ay namukhaan ko na sila pero impossible na sila ang mga taong nakikilala ko.

"Sino kayo at ano ang nais ninyong malaman sa amin?"= unang nagsalita ang babaeng nasa tingin ko ay si arjo.

"Nais po sana namin kayong makausap tungkol sa mga anak ninyo at sa ampon po ninyong sa kana"= may galang na sabi ni miler kaagad sa mga rito.

"Kayo po ba sina gng. At g. Ibuki?"= tanong ko muna rito upang kung Hindi man sila ito ay Hindi namin masasayang ang oras naming dalawa.

"Ou kami nga ang mga taong tinutukoy niyo. Ngunit bakit niyo gustong malaman ang tungkol sa isa naming ampon na si kana.?. Nga pala tama ba ang pagkarinig ko kanina mga anak at ampon ba ang sinabi ninyo?"= tanong naman ng asawa nitong lalaki.


"Tama po ang pagkarinig ninyo ayon po kasi sa aming nakausap ay may tatlo kayong anak at isang ampon na ngangalang kana na siya naming pinapunta dito."= si Natalie naman ang sumagot dito.

Bahagya namang tumawa ang mag-asawa. Sabay nun ang bulong sa akin ng katabi ko na so Nathalie "Sabi sayo baliw eh"=pagtataray nitong sabi sa akin.

Hinintay naman naming tumigil ang dalawa sa katatawa at muli ulit nagsalita. "Iho at mga iha mali ang inyong nalalaman tungkol sa pamilya namin. Ou nagkaroon kami ng anak pero isa lamang ito at may  tatlo kaming inampon .si  kana at ang kambal."= pagtatamang sabi ni Mr. Ibuki

Section-Ace: {CLASS PICTURE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon