"Marco" parang natatakot pang pagtawag ko dito pero hindi naman ako nito pinansin dahil nagpatuloy ito sa paglalakad hanggang sa may parking lot.

Duon ay huminto kami sa isang nakaparadang kulay itim na mustang. "Hop in, ihahatid na kita sa inyo..." pagpilit pa nito sa akin.

"Pero marco..." pagaalangan ko pa, lalo pa't ngayon nga lang kami tunay na naging magkakilala.

"Are scared of me?...am I too fast?" Nahiya din siya para sa kanyang sarili kaya naman napahinto ako sa pagsasalita.

"Hindi naman sa ganuon pero kasi...nakakahiya naman kung magpapahatid pa ako sayo eh ngayon lang naman tayo nagkakilala tapos..." muli ay hindi nanaman niya ako pinatapos.

"Ikaw ngayon mo lang ako nakilala, pero ikaw matagal na kitang kilala Sofia..." sabi nito na nagpakunot ng aking noo.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

Napayuko ito. "It doesn't matter now, gusto ko lang talagang maihatid ka sa bahah niyo. Para masiguro kong safe ka...just a friendly offer..." pahabol pa niya sa akin kaya naman sa huli ay napilit din niya ako.

Pinagbuksan pa ako nito ng pintuan. Pagdaan sa second gate ay nanlaki ang mata ko ng makita kong lumabas si sir zach sa kanyang sasakyan at tsaka nakasimangot na bumalik papasok sa second gate. Kasunod pa nga nito ang kanyang driver na dala ang kanyang backpack.

"Hey are you alright?" Pagkuha nito ng aking pansin dahil sa pagkatulala.

"Ha...oo ok lang" sagot ko pa sa kanya.

Tinanong ako nito kung saan ako nakatira at tsaka ko tinuro sa kanya kung saan. Malapit lang naman ang bahay ni sir zach aa university kaya naman napapanhiti na lang ako ng pagkailang kay marco dahil dito.

"You are living in a mansion" pahayag niya pagkahinto namin sa harapan ng bahay ni sir zach.

"Naku hindi, nakikitira nga lang ako diyan" pabiro pang pagtanggi ko sa kanya.

Parang hindi naman ito naniwala sa aking sinabi. "You deserve it, a beautiful girl like you...suits to live there" pambobola pa nito na naging dahilan para mas lalo kong gustuhing makalabas na duon.

"Naku hindi talaga..." pagtanggi ko pa din habang kusa ko nang tinatanggal ang seatbelt.

"Thank you marco ha, super thank you talaga sa paghatid mo sa akin..." pasasalamat ko pa siya pero pinatigil ako nito at tsaka siya lumabas sa kanyang sasakyan at umikot para siya na mismo ang magbukas ng pintuan ko.

"Thank you" sambit ko pagkalabas ko ng kanyang mustang.

"See you on wednesday then..." nakangiting sabi niya sa akin dahil wala kaming klase bukas.

"See you" sambit ko na lamang din at kaagad na nagdoorbell.

Hindi pa ito umalis hanggang sa mabuksan na ng isang kasambahay ang gate para sa akin.

"Naku ma'm sofia sorry po, nagCr po kasi yung guard natin" paumanhin sa akin nito na kaagad ko namang tinanguan para sabihing ayos lang at wala naman iyong problema sa akin.

Sabik na sabik ako kay zeus pagkapasok ko sa bahay. Buti na lamang din at hindi pa ito natutulog dahil miss na miss ko na talaga siya kahit kaninang umaga lang naman kami nagkahiwalay.

"Mommy bed! Sleep..." nakangusong sabi nito sa akin habang nagkukusot ng mata at tsaka tinuturo ang kanyang kama.

"Antok na ang baby ko" sabi ko dito tsaka ko siya dinala papunta sa kanyang malambot na kama at tsaka siya iihiga duon. Kinwentuhan ko pa nga ito ng story bago siya tuluyang dinalaw ng antok.

"Konting tiis lang baby, pagnakapasa si mommy sa board exam maghahanap kaagad ako ng work para naman wala nang magagawa ang daddy mo na paglayuin tayo" paninigurado ko sa natutulog kong anak habang marahang tinatapik ang pwetan nito.

Kahit tulog na si Zeus ay hindi ko pa ding magawang matulog nung gabing iyon. Magaalasdies na ng gabi at wala pa din si sir zach. Dumating nga kanina ang BMW na sasakyan nito kaya naman inakala kong siya na iyon pero yung driver lang pala niya. Pinakuha pa nito anb kanyang Subaru at pinadala sa univeristy ibig sabihin ay magisa lamang siya uuwi.

"Ma'm sofia may kailangan pa po kayo?" Tanong sa akin ng isang kasambahay.

"Wala na, thank you" sagot ko sa kanya. Naiilang pa din ako pagtinatawag ako nito ng ma'm pero wala akong magagawa kung iyon ang gusto nilang itawag sa aki  dahil ilang beses ko na din naman silang nasabihin na pangalan ko na lang ang itawag nila sa akin.

Dahil sa pagkainip ay lumabas ako ng kwarto at tsaka pumunta sa may garden kung saan tanaw ang malaking pool ni sir zach na akala mo ay nasa isang resort ka sa sobrang ganda. Nagkaroon tuloy ako ng idea na turuang lumangoy si Zeus pagkaya na niya. Ayun ay kung nandito pa ako sa bahay na ito.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa duyang kahoy ng marinig ko ang tatlong magkakasunod na busina mula sa may gate. Mukhang dumating na nga si sir zach kaya naman lumabas na din ako patungo sa may sala.

"Si Zeus?" Tanong kaagad nito sa isang kasambahay na sumalubong sa kanya para kuhanin ang kanyang mga dala.

"Tulog na po sir zach..." sagot nito sa kanya.

Tumango si sir zach. "Eh ang ma'm So..." hindi na nito naituloy ang kanyang tanong ng mapansin niya na ang aking presensya.

Naging mabilis ang pagiging blanko ng kanyang tingin sa akin. Pero hindi ako nagpadaig duon. "Good evening" malumanay na sabi ko sa kanya.

Tiningnan lamang ako nito at tsaka ako bahagyang tinanguan. "Pahanda ng dinner, magshoshower lang ako" utos pa nito sa kasamabahay sa harapan niya at walang sabi sabing umakyat za kanyang magarbong hagdanan.

Tinanaw ko na lamang siyang umakyat hanggang sa maawala na siya sa aking paningin. Kaya naman pumasok na lamang ulit ako sa aking kwarto at tsaka humiga.  Pero ayaw talaga akong dalawin ng antok dahil ni hindi ko na nabilang kung ilang minuto na akong nakatulala sa may kisame.

Kinupa ko ang baso sa may mesa sa aking gilid pero napangiwi ako ng makitang wala na iyong laman. Lumabas ako ng kwarto papuntang kusina para kumuha ng tubig.

"Did you eat already?" Seryosong tanong niya sa akin nang di man lang ako tinitingnan.

"Ha eh..."

"Ma'm sofia tamang tama po, marami po akong nailabas na pagkain, hindi pa po kayo naghahapunan" sabi nung kasambahay na kalalabas lang ng kitchen na may dalang bowl.

"Ah hindi na, matutulog na ako...kukuha lang ako ng tubig" pagtanggi ko dito.

Seryoso ang mukha ni sir zach ng dahan dahan ako nitong lingonin.

"Can you prepare  sandwich instead?...for her" sabi pa nito na kaagad na sinunod ng kasambahay.

"Seat with me" utos nito sa akin kaya naman wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya.

Halos manuyo ang lalamunan ko dahil sa kaba. "Nakakadiri ba ako sofia?" Mapanuyang tanong nito sa akin ng nay tatlong upuang pagitan ang inupuan ko malayo sa kanya.

"Ah, sorry" wala sa sariling sabi ko at wala din sa sariling lumipat ako sa katabing upuan niya.

"I need you to cooperate with me sofia" biglang sabi nito.

"Sa...saan?"

"Uuwi si president para kay Zeus, magtatagal siya dito ng mga ilang linggo" kwento nito na naging dahilan para mas lalo akong kabahan.

"An...anong gusto mong gawin ko?" Matapang pero sobra talaga ang aking kaba.

"I was just thinking kung pwede mo sanang tigilan muna ang pakikipaglandian mo sa ibang lalaki habang nandito siya..."

"Hindi ako nakikipaglandian" madiing sagot ko pa sa kanya.

"Still, stop messing around kilala mo siya...para din naman sayo to" sabi niya at kaagad na nagiwas ng tingin sa akin.






(Maria_CarCat)

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)On viuen les histories. Descobreix ara