Chapter 10

82.8K 2.3K 202
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



Nakadapa ako sa kama ni Sir Zach habang kumakain ng Tortillos at nanunuod ng movie sa kanyang flat screen tv na nakadikit sa brick wall niya.

"Pagpagan mo yang kama ko pagkatapos ha!" Seryosong suway nito sa akin habang busy siya sa tapat ng kanyang laptop.

"Yes, Sir!" Nakangising sagot ko at nagsaludo pa, pero inirapan lamang ako nito.

"Ano po bang meron diyan sa laptop niyo at hindi kayo maalis diyan sa harapan niyan?" Tanong ko habang tuloy tuloy ang subo ko.

"I'm working, you know" sagot niya habang nagtitipa sa kanyang laptop.

"Kahit dito sa bahay mo? Eh sa office nga..." di niya na ako pinatuloy kaagad niya akong pinigil.

"Can you just shut up, manuod ka na lang diyan" masungit na sabi niya.

Napairap ako at nagmamaktol na napaupo. " Sungit! Bangasan kita diyan eh!" Inis na bulong ko.

Kita ko ang paglipat ng kanyang matalim na tingin sa akin. "May sinasabi ka?" Tanong niya.

Napahalukipkip ako. "Bakit!? May narinig ka ba!?" Bulyaw ko sa kanya.

Napabalikwas siya. "Sinisigawan mo ba ako!?" Balik niya sa akin.

"Ano sa tingin mo!?" Balik na sigaw ko pa.

Napatayo ito sabay hataw sa kanyang lamesa. "Hoy, babae!" Sabi niya na may kasama pang panduduro. "Wag mo akong sigawan nasa pamamahay kita! At matuto kang rumespeto" pangaral niya sa akin.

Nainis ako lalo padabog kong kinuha ang remote at tsaka pinatay ang Tv niya. Nakatingin lamang ito sa akin habang sinusundan niya ang bawat galaw ko. Nagmamaktol akong bumaba sa kanyang kama at lumabas ng kwarto.

"Sungit, bwiset..." inis na sabi ko habang nagmamartsa papuntang laundry.

Kukuhanin ko na lamang ang damit ko at aalis na ako dito, nakaka bwiset lang yung lalaking kasama ko dito. Kinuha ko ang aking cellphone at nakitang mag aalasnuwebe na. Sinubukan kong Kontakin isa isa ang mga kaibigan ko para tanungin kung pwedeng makituloy ako sa kanila kahit ngayong gabi lang.

"Ayy...ganun ba Justine, sige salamat na lang" sagot ko. Wala daw ito sa kanilang bahay ngayon kaya di niya ako mapapatuloy sa kanila.

Sinubukan ko muling mag dial ng number ng kaklase ko habang kinukuha ko ang damit ko para makapagpalit na. Ng bigla na lamang na may humaklit ng aking braso dahilan para mabagsak ang aking cellphone.

"F*cking shit!" Hiyaw ko habang nakatingin sa cellphone ko na ngayon ay nahati na sa tatlo.

Matalim kong nilingon ang lalaking pinaglihi ata sa sama ng loob. "Bakit po ba?" Tanong ko sa kanya.

"Matulog ka na." Matigas na utos niya sabay turo sa direction ng kanyang kwarto.

"No thanks" sabi ko habang nakangisi.

Babawiin ko na sana ang kamay ko ng bigla ako nitong binuhat na parang sako dahilan kung bakit naexpose ang legs ko dahil umangat ang suot kong puting tshirt niya na ginawa kong dress.

"Ano ba! Ibaba mo ako!" Hiyaw ko pero nagpatuloy lamang itong sa paglakad.

Ibinato niya ako sa kama kaya naman nagbounce pa ako kaunti. "Subukan mo pang tumayo diyan Sofia, itatali na talaga kita!" Pagbabanta niya sa akin.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon