Chapter 40

78K 1.9K 160
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



Nakatitig ito sa akin na para bang kailangan ko talagang sagutin ang kanyang tanong sa akin. Kaya naman kaagad kong binawi ang aking braso mula sa kanyang pagkakahawak.

"Ano naman sayo?" Masungit at medyo inis pang sabi ko.

Natataranta na talaga ako at gusto ko ng makauwi. Naghahanap ako ng taxi at nagpapara kahit may sakay na ito. Sa mga oras na kagaya nito ay gusto ko kaagad na mapuntahan ang aking anak na si Zeus.

"I just want to know...it's my fathers name" sagot nito, pero medyo mahina na ang panghuling salita na sinabi niya.

"None of your bussiness" mataray na sabi kopa at kaagad na pumara ng taxi.

Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero di ko na siya binigyang pansin pa dahil mas kailangan ako ng aking anak.

"Ya asaan na po si Zeus?" Tanong ko kaagad sa isang katulong na sumalubong sa akin.

"Natutulog na po sa Kwarto Ma'm, nakatulugan na nga po ang pagiyak" sagot sa akin nito.

Kaya naman mabilis akong umakyat sa aking kwarto na tinutulugan din ni Zeus.

"Baby" malambing na pagtawag ko dito habang hinahalik halikan ang kanyang ulo.

Di ko na natiis na hindi siya buhatin sa aking bisig. Naririnig ko pa din kasi ang kanyang mga munting hikbi. Dahil sa aking ginawang pagbuhat sa kanya ay gumalaw ito at bahagyang nagising pa.

"Mommy...Car" mahinang sumbong niya sa akin na parang nananaginip pa, dahil kahit may hikbi ay nagawa pa nitong hanapin ang kanyang laruan sa akin.

Tsaka ko lamang nagawang bitawan ang anak ko ng masiguro kong malalim na ang kanyang tulog. Pagkatapos ay nagayos ako ng aking sarili at bumaba sa kusina para uminom ng tubig.

Habang nasa kitchen counter ako ay bumalik muli sa akin ang nangyari kanina. Sa totoo lang ramdam ko ang panlalamig ko dahil sa nalaman na ni Sir Zach ang pangalan ng aking anak. Nagkaroon tuloy ako ng takot na baka magkaroon ito ng hinala.

"Ma'm gusto niyo po bang ipaghanda ko kayo ng makakain?" Tanong ng isang katulong pagkakita niya sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at tsaka siya inilingan. "Hindi na, ayos lang ako" sagot ko na lamang sa kanya.

Umakyat na muli ako sa aming kwarto para sana makapagpahinga na din.

"Ma'm...ma'm may tawag po, si Ma'm Cassandra daw po" nagmamadaling habol sa akin ng isang pang katulong.

Napatingin tuloy ako sa malaking wall clock at nakitang magaalasOtso pa lang ng gabi.

Mabilis ko na lamang na sinagot ang tawag. Isang bartender o waiter, di ako sigurado pero ang alam ko lang ay sinabi nitong sobrang lasing na lasing na si Cassandra at halos nakabulagta na daw duon. Napakunot ang noo ko dahil di naman niya gawi ito. Tsaka masyado pang maaga para sobra siyang malasing.

"Ya si Zeus, pakitingnan tingnan naman...sandali lang talaga ako" problemadong bilin ko sa katulong namin.

Gusto ko sanang samahan na ang aking anak ngayon. Pero kailangan din ako ni Cassie ngayon. Kaya naman mabilis kong tinungo ang address ng bar na ibinigay sa akin nung tumawag kanina.

Medyo nahirapan pa nga ako sa paghahanap dahil di naman ako gaanong pamilyar sa mga lugar na kagaya nuon. Wala namang ibang matatawagan si Cassie. Karaniwan kasi sa mga ganitong pangyayari ay ang kanyang kuya Callum ang kanyang tinatawagan.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon