Chapter 5

89.8K 2.4K 92
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________




"Ang ganda mo diyan sa bago mong uniporme apo" puri sa akin ni Lola.

Hindi ako kumibo. Nanatiling nakatuon ang paningin ko sa aking repleksyon sa salamin. Wala namang pinagkaiba ang uniporme ko ngayon sa uniporme ko noon. Parehong kulang puti ang pencil cut, nagkaiba nga lang dahil may nakadikit na kulay berdeng logo ng university sa itaas na kanan ng aking bulsa sa sa damit.

Napansin ko ang kalungkutan ni Mama habang nakatingin sa akin, gusto ko sana subukang ipakita na ayos lamang ako. Pero hindi ko magawa, dahil kahit anong pilit ko kasi ay ganuon pa din, nasasaktan at nalulungkot pa din ako dahil kailangab kong iwan ang school na napagsimulan ko na. Ang mga kaibigang nabuo ko na duon.

Ngayon ay magsisimula nanaman akong muli sa una. Kung hindi dahil sa paglalangoy ko ay hindi ako makakakuha ng full scholarship. Medyo nababahala tuloy ako dahil kung duon sa dati kong school ay hawak ko ang schedule ko ngayon ay iba na. Kailangan ko na talagang hatiin ang oras ko sa mga major subjects ko at sa extra curricular activities ko.

"Magiingat ka Apo...wag mo kalimutang ngumiti" bilin sa akin ni Lola habang palabas na ako ng bahay.

Pinilit kong ngumiti sa kanila tsaka ako kumaway para magpaalam na. Kailangan kong sumakay ng tricycle patungong terminal ng jeep na maghahatid sa akin patungong monumento, at pagkababa naman duon ay sasakay ako ng jeep patungong malanday.

Pagkababa ko ng jeep ay madaming estudyanteng katulad ko ang pumapasok duon sa main gate ng bago kong university. Nasa akin na din naman ang registration card ko kaya naman ang kailangan ko na lamang gawin ay hanapin ang first class ko. Ang tungkol naman duon sa pagiging swimmer ko ay yung advisery teacher ko na daw ang bahala.

Svb 401

Iyon ang nakalagay sa taas ng pintuang nakita ko kaya naman duon na ako tuluyang pumasok. Kagaya ng inaasahan ay maingay sa loob ng classroom, second sem na kasi kaya normal lang na halos magkakilala na ang mga nandito at magkakaibigan na. Hindi rin naiwasan na nasa akin ang lahat halos ng tingin nila dahil kakapasok ko pa lamang.

Duon ako umupo sa pinakaunang upuan, alam ko naman kasing wala ni isang estudyante ang gustong umupo sa pinaka unang helera ng upuan pag first day ng klase. Pero wala naman akong magagawa wala naman akong ibang kaClose dito para duon ako tumabi kaya mas pinili ko na lamang na manahimik duon sa upuan ko.

"Wow! Ang kapal ng Mukha niyo ha!"

Agad na napatingala ako ng may pumasok na hindi baba sa walong babae. Mukhang magkakabarkada na ang mga ito.

"Ella, tabi tayo!" Tawag nung babaeng payat at morena.

"Ayoko diyan sa unahan!" Sagot naman sa kanya nung isang chubby nilang kaibigan na may maiksing at medyo maalaong buhok.

Nagtawanan na lamang ito buong oras ng klase hindi kasi ata papasok yung prof naman o baka late lang, pero medyo maingay talaga ang mga iyon.

"Mga Letche talaga kayo!" Sigaw nung isa tsaka sila sabay sabay na nagtawanan.

"Hi...i'm Rea" pagpapakilala nung isa. Di siya ganuon katangkaran, maputi siya at nakabrace.

May isa pang babaeng ang umupo sa katabi nito. Nakaearphone siya habang sumasayaw sayaw ang ulo niya.

"Pasensya ka na, hindi kasi nakainom ng gamot yan" natatawang sabi nung Rea.

Tipid din akong napangiti pero narinig ata nung babae yung sinabi ni Rea. "Anong gamot ka diyan!" Nakasimangot na sabi nito.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon