Chapter 28

66.3K 2K 121
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



Di ko alam kung tama pa ang desisyon ko na bumalik sa condo na tinutuluyan namin ni sir zach gayong pinababa niya ako kanina sa sasakyan niya at hinaayang maglakad sa gitna ng highway.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan ng condo, kaagad sumalubong sa akin ang katahimikan at ang ginaw dulot ng malakas na aircon. Tahimik akong pumasok, naabutan kong nakasalampak si sir zach sa sofa habang umiinom ng alak.

Napayuko ako dahil hindi ko kayang salubungin ang mabibigat at malalim na tingin nito sa akin. "I'm sorry" yon na lamang ang aking nasabi.

May kinuha itong envelope sa gilid niya at kaagad na inilapg iyon sa center table.

"Ayos na ang lahat ng kakailanganin natin, para sa pagalis natin papunta sa America, Sofia. Kung tetistogo ka bukas, malaki ang chance na matapos na iyon bukas. Mahahatulan na ang Daddy mo at makakaalis na tayo dito" pagpapaliwanag niya sa akin.

Ramdam ko ang hinanakit sa boses nito. Halata ding medyo may tama na siya dahil sa alak.

"Hindi ko po kaya, Sir Zach" pinilit kong tapangan ang aking boses.

Di tamang patagalin ko pa ang lahat. Pareho lang kaming masasaktan kung patuloy akong magpapanggap na kaya kong gawin ang gusto niyang ipinagawa sa akin.

"How about our plans, Sofia!?" Hindi na napigilang tumaas ang boses nito.

Kinundisyon ko ang sarili ko,para kasing may bumarang napakalaking bagay sa aking lalamunan. "Plano mo lang Sir Zach...plano mo lang kasi hindi mo naman hiningi ang opinyon ko sa lahat ng yon" mangiyak ngiyak na sagot ko sa kanya.

Kita ko ang pagkunot ng noo nito. "Ginawa ko lahat ng iyon para sa atin, Sofia! Kapakanan mo lang ang iniisip ko" matigas na sagot nito sa akin.

"Pe...pero nasasaktan na ako Sir Zach, nasasakal na ako" lumuluhang sabi ko sa kanya.

Maging ako ay nasasaktan dahil sa aking sinabi. Ayoko siyang saktan ng ganito pero ang makakabuting gawin ngayon ay sabihin kung ano yunh totoo. Sabihin kung ano yung nararamdaman ko.

Napaiktad ako ng ibinato niya ang bote ng alak sa kung saan dahilan kung bakit nabasag ito. "I already warned you! Sinabihan na kita diba!?" Himutok niya at nagsimula na siyang sumigaw.

"Sir Zach..." nagaalalang tawag ko sa kanya.

Di ako nito pinansin. Sobra din akong nasaktan ng makita ang pagagos ng luha sa mga mata nito. Basang basa na ang kanyang pisngi dahil dito.

"I told na ganito ako magmahal! Tinanggap mo ako diba!? Anong plano mo ngayon iiwan mo na din ako!?" Punong puno ng hinanakit ang sigaw nito.

Nanlalabo ang paningin ko habang umiiling. "Hindi ganon, Sir zach..." pagpapatahan ko sa kanya.

Sinubukan ko din sanang lapitan siya pero lumayo lamang ito sa akin. Tumayo siya at pinagsusuntok ang pader. "Sir Zach tama na, sinasaktan mo na ang sarili mo" suway ko sa kanya at pilit kong hinahawakan ang kamay niya na sigurado akong may sugat na ngayon.

"Masakit talaga Sofia! Sobrang sakit!" Daing niya at napahagulgol na.

Hindi kinaya ang bigat nito kaya naman napaupo siya sa sahig. Kaagad akong lumunod para damayan siya. Tuloy tuloy lang ang pag agos ng luha mula sa kanyang mga mata, pulang pula din ang mukha nito dahil siguro sa alak.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon