Chapter 3

101K 2.6K 143
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



Bihira ko ng makita si Sir Zach pagkatapos ng pangyayaring iyon. Minsan sa mga meeting nila lola at Tita feh pagpumunta sa bahay nila ay palagi itong wala, maabutan ko man siya ay hahalik lamang ito sa lola niya at magpapaalam na magpapahinga na sa kanyang kwarto. Ni hindi man lang ito nagabalang igala ang mga mata niya.

"So nasa 500 Families ang estimated natin para bukas" paguusap nila Nang miriam at iba pa nilang mga kamember. Ewan ko ba naman kay Lola at palagi akong sinasama dito. Ayaw kasi ako nitong iwan sa bahay lalo na't si Henry lang naman ang kadalasang nanduon.

"Lola masama po ang pakiramdam ko, mauuna na po kaya akong umuwi?" Sumbong at suwestyon ko.

Sandali akong pinagmasadan nito at tsaka sinipat ang aking leeg kung mainit ba ito.

"Delikado, Apo..." daing niya.

Agad akong umiling. "Kaya ko na po Lola...Promise!" Paninigurado ko pa.

Batid ko ang pagdadalawang isip nito. Pero kaagad na akong tumayo at nagpaalam kuna Tita feh. Busy ang lahat para bukas kaya naman di gaanong halata ang aking pagalis.

Totoong mabigat ang aking pakiramdam. Ganito kasi talaga ako pag unang araw ng period ko, minsan naman after period ako sinusumpong. Tirik ang araw kaya naman kaagad kong inilabas ang payong ko. Kailangan ko din naman kasing magpahinga para sa gaganaping program bukas.

Pupunta kami sa isang lugar tsaka namin papakainin yung mga tao duon. Ganuon naman kasi talaga ang gawain nila Lola. Every december iyon, napaaga lang talaga ngayon dahil sa personal na dahilan ng mga Alonzo.

"Sakay na..."

Agad akong napalingon at halos lumuwa ang mata ko dahil nasa harapan ko ngayon ang isang kulay itim na Bugatti Veyron. Agad lumipat ang tingin ko kay Sir Zach na halos gulo gulo pa ang buhok at tamad na nakatingin sa akin.

"Sabing sakay na eh" inis na sambit nito dahil sa aking pagtigil. Walang sabi sabi akong sumakay kaagad duon.

Pangarap ko talagang makasakay sa mga magagarang sasakyan na kagaya nito. Kagat labi ako habang pinagmamasyadan ang kabuuan nito sa loob, sobrang ganda at astig.

"Ehem..."

Agad akong napalingon kay sir Zach. At duon ko lang nakita na nakasuot ito ng oversized na tshirt at gusot gusot pa, maong pants din siya na sira sa may bandang tuhod. Kung hindi ko lang kilala ang isang ito aakalaiin kong ninakaw niya lamang ang sasakyang ito.

"Mag seat belt ka" tamad na utos niya at halos mapanganga ako ng isuot nito ang shades niya.

"Shet, ang Hot!" I mouthed habang inaayos ang seat belt ko.

"Ay pusa!" Hiyaw ko ng walang sabi sabi nitong pinatakbo ang kanyang sasakyan at tsaka nag biglang preno.

Halos humiwalay ang kaluluwa ko dahil duon. Hindi ko ineexpect iyon. Buti na lamang at napahigpit ang kapit ko sa seat belt kahit di pa man ito tuluyang nakakabit. Pero ang isang iyon napahalakhak lamang kahit halos tumilapon na ako palabas ng kanyang sasakyan.

"Anong trip mo ha!" Hiyaw ko sa kanya.

Bahagya nitong ibinaba ang shades niya dahilan para magtagpo ang mga mata naming dalawa.

"Bayad mo yan para sa pangiistorbo sa tulog ko" mayabang na sabi niya na ikinalaki ng mata ko.

"Excuse me! Ikaw ang nagoffer sa akin na sumakay dito" sumbat at pagpapaalala ko sa kanya.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon