Chapter 49

74.2K 1.9K 250
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________




Di ko alam kung gaano katagal na akong nakatitig sa galit na mukha ni Sir Zach. Matigas ito at sobrang nakakunot ang kanyang noo.

"Sofia!" Pagtawag niya sa akin at medyo tumaas na din ang kanyang boses.

Napaiktad ako dahil duon. Dahil na din sa paglakas ng kanyang boses ay maging si Zeus ay nagulat kaya naman kahit magana itong kumakain ay nakita ko ang pagkagulat sa mukha nito at ang mabilis niyang pagsibi.

"Pwede ba wag ka ngang sumigaw" matapang na suway ko kay sir zach pero ang totoo ay sobra talaga akong kinakabahan sa mga nangyayari.

"Tell me the truth sofia" matigas at pagpupumilit na sabi pa din niya.

Di ko magawang magfocus sa kanya dahil sa likuran niya ay kita ko ang pamumula ng mata ng aking anak na mukhang ano mang oras ay iiyak na.

"Mommy" garalgal na sabi nito at bahagyang itinaas ang kanyang kamay na para bang gusto niyang buhatin ko siya.

Dahil di na ako makatiis na tingnan lang ang aking anak ay sinubukan kong lagpasan si sir zach para makapunta dito. Pero di pa man ako nakakahakbang ay hinigit na ako nito sa braso.

"Kukuhanin ko ang anak ko" seryoso at matigas na pahayag niya.

Literal na nanlaki ang aking mata. Imbes na hilahin ko pabalik ang aking braso mula sa kanya ay nanghina ako.

"Anong sabi mo?" Parang di pa makapaniwalang tanong ko sa kanya.

Lalong tumigas ang ekspresyon ng kanyang mukha. "Kukuhanin ko ang anak ko sofia...ilang taon mo din siyang itinago sa akin. May karapatan ako sa kanya" madiing laban niya sa akin.

Imbes na magpalamon ako sa aking panghihina ay inipon ko lahat ng lakas ko para mabawi ko ang aking braso mula sa kanya.

"Hindi mo anak si Zeus! Anong karapatan mong angkinin siya!" Sigaw ko dito.

Akala ko ay matitinag siya kahit papaano. Pero ni hindi natigan ang matigas na ekspresyon ng kanyang mukha.

"Nararamdaman kong anak ko ang batang yan sofia! Anak ko siya" laban niya sa akin habang nakaturo siya sa aking anak.

Bumigat na ang aking paghinga. Hindi ko na alam kung saan pa ako pwedeng humugot ng panlaban sa kanya.

"Hindi mo pwedeng sabihing sayo siya, dahil yun ang nararamdaman mo!" Pagpapaliwanag ko sa kanya.

Halos mapadaing ako ng medyo humigpit ang pagkakahawak niyang muli sa aking braso. "Dont let me do legal justice sofia...because if you let me i will fight for my rights and i will surely do everything just to win it" pagbabanta niya pa sa akin.

Padabog niyang binitawan ang aking braso. Sandali pa niya akong tiningnan ng masama bago niya ako tinalikuran at tsaka bumalik sa upuan sa tabi ng aking anak.

"Hey baby are you crying?" Malambing na pagaalo niya kay zeus.

Hindi ugali ni zeus na mapalagay ang loob sa ibang tao na ngayon niya lang nakita, pero kung makipaginteract siya kay sir zach ay parang di na ito naiilang o natatakot.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Tinalikuran ko siya at tsaka ako nanghihinang napaupo sa may sofa.

"Jen, pakipuntahan mo muna sila sa dinning, baka may kailangan sila" nanghihinang utos ko sa tagapagbantay ni Zeus.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon