Chapter 54

78.6K 2K 75
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________




Sinimangutan ko na lamang siya at tsaka inirapan. Wala na akong panahon sa mga arte niya. Nakakasawa na din minsan ang pagkabipolar niya kaya naman mas minabuti ko nang umalis na duon at hanapin na kung saan ang una kong klase para sa araw na ito.

"Sofia?"

Dahil sa hindi siguradong pagtawag sa aking pangalan ay kaagad kong nilingon ang pinanggalingan ng boses.

"Ikaw nga! Sofia Hernaez right?" Muli pa niyang paninigurado ng harapin ko na siya.

Napakunot ang noo ko at pilit na inaalala ang mukha ng lalaking kaharap ko ngayon. Kagaya ko ay di din ito nakauniform at may hawak din siya registration card sa kanyang kanang kamay.

Nang mapansin niyang hindi ko pa siya naaalala ay naglahad na kaagad ito ng kamay. "Marco Monterde...di mo natatandaan? We're classmate sa Anatomy, nung 2nd year...medyo matagal na" medyo parang nahihiya pang sabi nito sa akin.

Nginitian ko na lamang siya at tsaka tinanggap ang kamay niyang nakalahad sa aking harapan. "Medyo...medyo" sabi ko sabay pagkumbinsi sa aking sarili.

"Medyo matagal na kasi..." nahihiya ding sabi niya sabay kamot sa kanyang batok.

"Ah...Oo nga" pagsangayon ko sa kanya sabay iwas ng tingin dahil nakakailang din naman kasi dahil hindi ko siya ganuon na kakilala.

"Uhm...anong ginagawa mo dito?" Tanong niya kaagad sa akin.

Itinaas ko ang hawak kong registration. "Mag rereview ako dito para sa board exam" kwento ko sa kanya.

Kita ko ang paglaki ng mata nito na para bang nabigla siya. "Talaga? Ako din!" Parang naexcite pang sabi nito.

Napangiti na lamang ako at napatango. "I bet magkaklase tayo" parang sigurado pang sabi niya sa akin.

Hindi nama nagkamali si Marco dahil pareho nga kami ng schedules kaya naman sabay na kaming pumunta sa room namin. Pareho din naman kasi kami ng Course kaya mas mukhang magiging madali ito sa akin dahil may makakatulong ako at makakasama sa pagrereview ko.

"Grabe yung isang buong suject natin for one sem...isang bagsakang exam lang natin ngayon" problemadong sabi ni marco sa akin.

Magkatabi kami sa upuan at hinihintay namin yung unang professor na magrereview sa amin. Nakakakaba tuloy dahil sa dami ng mga nangyari sa akin ay hindi ko na alam kung naaalala ko pa yung mga napagaralan ko dati.

"Ikaw bakit hindi ka nakapagtake ng board?" Tanong ko naman sa kanya.

"Namatay si Dad, kaya ako muna yung namahala sa bussiness namin...but gusto ko talagang maging pharmacist, im into drugs you know..." biro pa niya sa akin kaya naman sabay kaming natawa.

Puro orientation ang ginawa namin nung araw na iyon. Sinabi na din sa amin yung mga kailangan naming requirements, sobrang gastos din pala talaga. Konti lang yung subject pero patayan naman dahil puro majors at halos lahat ng lumalabas sa boards.

"Treat ko" pagpigil nito sa akin ng iaabot ko na din sana sa waiter ang bayad ko.

Niyaya ako nitong kumain sa labas ng university. Hindi pa sana ako papayag na siya ang magbabayad ng kakainin ko pero mas mapilit siya kesa sa akin.

"Anong plano mo after board?" Tanong niya sa akin sa kalagitnaan ng aming pagkain.

Tinapos ko muna ang nginunguya ko bago ko siya sinagot. Nagkibit balikat muna ako bago ako nagsalita.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon