Chapter 30

76K 1.9K 119
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



Kahit nagulat ay kaagad akong niyakap ni ma'm grace. "Shhh...hindi magagawa ni Zach iyon sayo" pagaalo niya sa akin.

Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa naramdaman ko na lamang ang namumuong pagkamuhi para kay sir zach.

"Magkikita sana sila ni Attorney ng biglang may humarang sa sinasakyan niyang taxi. Apat na lalaking nakasakay sa motor, pinaulanan sila ng bala...ayaw na talaga nilang buhayin ang Daddy mo" umiiyak na sumbong ni mommy.

Halos magwala na ito sa labas ng emergency room. May mga pulis na din na kinakausap naman si lola dahil hindi makausap ng maasyo si mommy dahil sa kanyang kalagayan.

"Excuse po, Ma'm may suspect po ba kayo, na pwedeng gumawa nito sa Daddy niyo?" Tanong sa akin ng isang pulis habang tahimik akong umiiyak sa gilid.

Sa aking tabi ay si ma'm grace na walang ginawa kundi ang patahanin at damayan ako. Palagi din nitong pinapaalala sa akin na may isa pang buhay sa sinapupunan ko na kailangan ako para maging malakas.

Malakas ang kutob kong sila sir Zach ang may kagagawan nito. Pero di ko kayang sabihin sa pulis na nagtatanong sa aking harapan ngayon. Malakas ang pakiramdam ko na sila ang nasa likod ng lahat ng ito, pero ni isang salita ay walang lumabas sa aking bibig.

Tanging pag iling na lamang ang naisagot ko sa kaharap kong pulis. "Salamat po, Ma'm" sabi nito at kaagad na umalis sa aming harapan.

"Hindi ko inaasahang magagawa niya ito" humihikbing sumbong ko kay ma'm grace.

"Wala pa tayong alam, Sofia. Pero nasisigurado ko sayong hindi kayang gawin ni Zach ito...alam niyang masasaktan ka" pagpapatahan nito sa akin.

Bumalik ako sa pagiyak ng tahimik. Wag naman sanang may mangyaring masama sa daddy ko. Ngayong tinuturuan ko pa ang sarili kong tanggapin muli siya. Gusto ko pang subukang mabuo pa ulit kami. Hindi magiging madali pero pinipilit ko namang sinusubukan. Para kahit papaano ay bumalik ang lahat sa dati, kahit alam kong may lamat na ito.

Kaagad akong napalapit sa pwesto ni mommy ng lumabas ang doctor sa emergency room.

"Under observation pa po ang Mister niyo. Ililipat na po natin siya ngayong sa ICU, sa ngayon ang pwede na lang po nating magawa ay imonitor siya at maghintay" sabi ng doctor sa aming harapan.

Mas lalong napahagulgol si mommy at tsaka yumakap sa akin. Kaagad ko siyang dinamayan at tinahan. Naawa na ako sa kanya dahil lagi na lamang itong umiiyak, simula nung umalis si daddy, nung mahuli, at ngayon ito. Ang gusto lang naman niya ay mabuo kaming pamilya, mabigyan ako ng buong pamilya.

"Sofia..." tawag ng kararating lamang na si sir kervy.

Kaagad na humalik ito kay ma'm grace bago lumapit sa akin. "What happend? Nagpatulong na din ako sa mga kilala ko para mapadali ang paghahanap ng may kagagawan nito" sabi niya pa sa akin.

Gusto kong magpasalamat pero di ko magawa. "Umamin na po kayo...si Sir Zach po ba ang may pakana nito?" Matapang na tanong ko sa kanya.

Kita ko ang pagkagulat sa kanyang mga mata. Kaagad siyang dinaluhan ni ma'm grace para pakalmahin. "What are you talking about Sofia? Hindi ito magagawa ng pinsan ko" diretsahang pagtanggi niya na para bang siguradong sigurado siya.

Inaasahan ko na ang kanyang sasabihin. Ano nga bang mapapala ko? Pinsan niya iyon kaya naman ipagtatanggol niya.

"Pero siya lang po ang may kakayanan na gawin ito..." pagkasabi ko nuon ay hindi ko na napigilang mapahagulgol.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon