Chapter 18

67.1K 2K 126
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________




"Lola, We're fine" paniniguro ni Sir Zach sa lola niya habang kausap namin ito sa Cellphone. Naka loudspeaker ito at sobra talaga akong naguguilty habang naririnig ko sa background ang iyak ng lola ko.

Nakayuko ako habang nilalaro ang mga daliri ko ng bigla iyong hinawakan ni sir Zach dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Are you alright?" Nagaalalang tanong niya.

Tipid ko siyang tinanguan. At muli akong yumuko. "I told you, Nenit, Hindi papabayaan ng apo ko si Sofia mo" pagaalo ni nang miriam kay lola sa kabilang linya.

"Rest for now Lola, we're fine...if everything calms down. We'll gonna meet you" paalam na ni sir zach sa mga ito.

Bago patayin ang tawag ay humirit pa si lola. "Magingat ka, Apo...mahal na mahal ka ni Lola" sabi niya na kaagad ko namang tinanguan kahit di naman niya iyon nakikita. Kasabay ng pagtango ko ay ang pagbagsak ng mga luha ko.

Tuluyan ng pinatay ni sir zach ang tawag. Kaagad siyang lumipat ng upuan sa tabi ko at tsaka ako niyakap. "U..uuwi na lang ako sa amin" mahinang sabi ko.

Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni sir zach sa akin. "I can't protect you there, Sofia..." sagot niya sa akin.

Kaagad na kumunot ang noo ko. "Protect me from what?" Tanong ko sa kanya.

Hinaplos niya ang buhok ko bago kinulong ng magkabilang palad niya ang mukha ko. "Protect you for everything that may hurt you" malambing na sagot niya sa akin at dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin bago niya inilapat ang labi niya sa labi ko.

Pagkabitaw niya ay kaagad akong yumakap sa kanya. "Don't hug me too tight baby, you're giving me a hard time, you know" nakangising sabi niya sa akin dahilan para mapalayo ako sa kanya.

Ang suot ko lamang ay ang oversized white tshirt niya, wala rin akong undergarments at sa loob nito ay itim na cycling lamang.

"I'll buy some clothes for you tomorrow" sabi niya sa akin bago niya ako hinalikan sa noo.

Nagpaalam sandali ito na magluluto ng dinner kaya naman kaagad siyang nagtungo sa kitchen. Pumunta naman ako sa kwarto para tingnan ang cellphone kong chinarge ko muna dahil lowbat na kanina.

For now nagrent lang si sir zach ng apartment. Up and down ito, pero iisa lang ang kwarto sa itaas. Kaagad kong binuhay ang cellphone ko at halos mabitawan ko iyon ng makita ko ang sandamakmak na text at tawag nila mommy. Meron din naman na galing sa mga kaibigan ko.

Dahil sa pagod ay kaagad kong tinanggal ang cellphone ko sa pagkakasaksak at kaagad hiniwalay ang battery nuon. Tinago ko na rin ito sa taas ng cabinet.

"Are you hungry?" Tanong ni sir zach habang pinapanuod ko siyang magluto.

Nginitian ko na lamang siya tsaka muling yumuko. "Spill it" sabi niya na ikinagulat ko.

"Huh?" Tanong ko sa kanya.

"I know may gusto kang sabihin sa akin, Go on..." utos niya.

Sandali akong natahimik bago ako tuluyang nagsalita. "Pa...paano yung pagaaral ko?" Tanong ko sa kanya.

Sandali nitong hinalo anh kanyang niluluto bago nito ito tinakpan. Tsaka siya humarap sa akin. "I'll send you to other school" sagot niya sa akin habang nagtatanggal ng apron.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon