Chapter 52

76.1K 2.1K 167
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



I made myself comfortable, kahit medyo mahirap. It is true na mukhang bodega nga yata ang isang ito. I sighed in frustration pero wala naman akong magagawa. Di ako pwedeng magreklamo at higit sa lahat wala naman akong mapagsusumbungan.

Even my mother and lola pushed me here. Sila ang naglagay sa akin sa sitwasyon na to, i dont even know kung maniniwala sila sa akin kung sasabihin kong ganito ang kalagayan ko dito. For sure they will just think that it is just my way to go out.

May aparador na mukhang mas matanda pa ata kay sir zach. Hindi naman siya ganuon ka creepy kagaya ng napapanuod ko sa mga horror films. Duon ko inilagay ang mga damit ko, malinis naman ang loob nito kaya walang problema.

Pagkatapos kong maayos ang mga damit ko ay ang kama naman na hihigaan ko ang inayos ko, dinalhan ako ng kumot at mga unan ni flor yung kasambahay na pinagtanungan ko ng kwarto kanina.

"Ma'm sofia, may pagkain na daw po sa dinning. Pwede na daw po kayong kumain" parang naiilang pang sabi nito sa akin.

Nginitian ko siya para naman kahit papaano ay mawala ang pagkailang niya sa akin. "Sofia na lang wag mo na akong tawaging ma'm. Sige lalabas na lang ako pagkatapos ko dito" sagot ko naman sa kanya.

"Uhmm...kailangan niyo po ba ng tulong?" Tanong pa din niya sa akin.

Kaagad akong umiling para tumanggi. "Ayos na ako dito, salamat" sabi ko pa at kaagad din naman itong lumabas sa aking kwarto.

Matapos ang ilang minuto pang pagaayos na muntik nang umabot ng halos isang oras ay pagod na pagod akong umupo sa may kama. Pinagpatong patong ko kasi ang mga kahon sa isang gilid para kahit papaano ay lumuwag ang espasyo ng kwarto at para na din mukhang maaliwalas siyang tingan.

Masasabi kong naging mas mukhang kwarto na siya ngayon kesa kanina na halata mong bodega talaga. Nakaramdam ako ng gutom kaya naman napagpasyahan kong lumabas na muna.

"Ma'm sofia kakain na po kayo?" Medyo gulat na tanong sa akin ni flor.

Tumango na lang ako at ngumiti sa kanya. "Sige po aayusin ki lang po ulit yung dinning" mabilis na sabi niya pa at kaagad na nagtungo sa may kusina.

Napakamot tuloy ako sa batok dahil sa naramdaman kong hiya dahil mukhang nailigpit na nila ito kanina. Imbes na dumiretso sa dinning ay napagdesisyunan ko na munang puntahan si Zeus. He needs me, alam ko yun...baka nga hinahanap na ako nito ngayon.

Hindi ko na ginawa pang kumatok, pero napatigil ang pagbubukas ko sana ng pintuan ng makita ko kung ano ang nangyayari sa loob.

"What is this again?" Malambing na tanong ni sir zach sa aking anak.

Nakahiga ito ngayon sa kama ni Zeus. Hindi ko makita sa aking gawi ang aking anak dahil natatabunan ito ng malaking bulto ng katawan ni sir zach. Naka puting tshirt na ito ngayon at kulay asul na pajama.

"Birddd..." sagot ni zeus na parang namamaos na ang boses, marahil ay inaantok na din ito.

"And what is the color of the bird?" Magiliw na tanong nito sa anak.

"Yeyow!" Bulol na sagot ni zeus na mukhang na buhayan pa ng loob.

Nagulat ako ng pinilit nitong umupo kahit pumupungay na ang kanyang mga mata. "Bird fly...and up and big and airplane and, and..." magulong saad nito sa ama na may kasama pang pagturo sa kisame.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon