Chapter 51

78K 2K 219
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________




"So kay sir zach ka na titira?" Gulat na tanong ni Elayza sa akin matapos kong sabihin sa kanila ang nangyari sa paguusap namin ni Sir Zach.

Napatitig ako sa kanya ng mga ilang segundo. "Hindi" sagot ko habang umiiling.

Sa hindi ko malamang dahilan ay nakita ko ang pagbagsakan ng mga balikat ng aking mga kaibigan. Nasa isang restaurant kami ngayon dahil ang ikakasal na si Justine ay sobrang excited. I can't blame her, ganuon nga talaga siguro pagikakasal ang babae lalo na sa lalaking mahal na mahal niya.

"Bakit naman sofia? Matagal mo nang pangarap yon di ba? Nagaaral pa lang tayo nun kung makaasta ka parang asawa na nga ni sir eh! Di ba yun naman talaga ang gusto mong mangyari?" Himutok ni glayn sa akin habang umiinom siya ng wine.

Napanguso ako sa kanya tsaka ko sinubo ang slice ng cake na nasa harapan ko. I can't even eat the main course, parang wala akong karapatang kumain. "That's different glayn...this time, it's different" wala sa sariling sagot ko sa kanya tsaka ako napababa ng tingin.

"What ever happens andito lang kami sofia...you know us! Students pa lang tayo mapansin ka lang ni sir zach, we're all in to support you" medyo natatawa tawa pa niyang asar sa akin.

Dahil duon ay napangiti ako. They are the most supportive buddies way back in college. Kahit anong kabaliwan ko nuon ay suportado nila ako. And i know na hanggang ngayon ganuon pa din that's why im so blessed to have them.

Di nagtagal ang lunch namin dahil may kanya kanyang lakad ang lahat. Di man ganuon ka importante ang sa akin ay kailangan ko pa ding maging on time lalo na at tungkol ito kay callum.

After ng ilang beses kong pamimilit sa kanya ay sa wakas pumayag na din siya. I know i should be sad about this but this time i should not think for myself all alone. Marami nang nagawa si callum para sa akin, sa amin ni Zeus.

"What's your plans pag alis ko?" Seryosong tanong ni Callum sa akin.

Nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa may veranda. Nanatili naman akong nakaupo sa may hammock sa likod niya at pinagmamasdan siya.

"Wala pa" sagot ko dito.

Ang isanb kamay niyang nasa loob ng bulsa ay mabilis niyang inilabas at nakita ko ang bahagyang pagsuntok niya sa may railings. I know that his pissed, pero di ko alam kung saang parte siya naiinis sa mga sinabi o nagawa ko.

"Damn it sofia, sa tingin mo ba kaya ko kayong iwanan kung wala ka naman palang plano sa mga bagay na to" medyo inis pa ding tanong niya sa akin, pero nanatili lang akong kampante at nakatitig sa kanya dahil ngayon ay nilingon niya na ako.

Batid ko din ang mabibigat na pagbuntong hininga nito. He's angry.

Nagkibit balikat muna ako bago ako nagiwas ng tingin. "Ang alam ko lang, gusto kong makasama ang anak ko...kahit kaming dalawa lang" sambit ko habang tinatanaw ko ang papalubog na sikat ng araw.

"Sofia...hindi ako aalis para lang sa wala" frustrated na sabi ni callum sa akin dahilan para malipat ang tingin ko sa kanya.

Ilang sandaling naghari ang katahimikan sa pagitan naming dalawa bago siya napapikit ng mariin.

"This is hard for me Sofia, so damn hard. Pero kung aalis man ako, gusto kong mapunta ka kay Alonzo, kayong dalawa ni Zeus" parang nagsusumamong sabi pa niya sa akin.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon