Chapter 13

78.1K 2.2K 148
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



Kinakabahan ako, di ko alam kung para saan at kung dahil saan. Simula kasi nung pumutok yung balita tungkol kina sir kenneth at lyndi ay mas naging mahigpit ang university. Halos dalawang linggo ding di nakapasok si lyndi.

"Pwede ba tama na ang paghahanap" suway ni Cristine dito.

Napayuko na lamang si Lyndi at napaluha ng tahimik. Di ko alam kung ano ba ang pwede kong maramdaman para sa kanya. Syempre ay nanduon ang awa, ano bang mali kung mahal nila ang isat isa di ba? Siguro ay yung pagkakataon at yung oras yung mali. Estudyante siya at professor si Sir Kenneth, di tanggap ng mundo ang ganuong set up.

Napabuntong hininga ako ng malalim. Halos dumugo na kasi ang kalyo sa kamay ko dahil sa sandamakmak na pinapasulat sa amin ng Pharmaceutical Calculation Proffesor namin. Actually buhay na buhay nga halos lahat ng mga classmates ko. Marami kasi ang may gusto kay Sir Anthony.

"Joke ba yon?" Inis pero mahinang himutok ni Glayn sabay baling sa amin.

NagJoke kasi ito, at syempre bentang benta naman iyon sa mga kaklase kong sa tingin nila ay cute yon. Napangiti na lang ako dahil sa sinabi ni glayn. Samantalang si theresa ay di mapigil ang pagtawa na akala mo ay totoong nakakatuwa ang sinabi ng prof namin.

"Apo, anong oras ang uwi mo bukas?" Tanong ni lola kinagabihan, nasa may sala kami habang nag plaplantsya siya ng mga damit namin at ako naman ay gumagawa ng assignment.

"7:30 pa po ang uwi ko, La..." sagot ko dito.

"Sayang naman pala...isasama sana kita" may panghihinayang sabi pa niya.

Agad na napakunot ang aking noo. "Bakit po? Saan po ba kayo pupunta?" Tanong ko pa.

"Nandito kasi si Nang Miriam mo sa Maynila...nangimbeta siyang magtanghalian sa labas kasama ang ibang members, siguradong hahanapin ka kasi nuon sa akin para tanungin tungkol sa iyong pagaaral" mahabang paliwanag nito na kaagad kong tinanguan.

"Pero alastres pa naman po ang pasok ko" sabi ko dito. Kahit ako ay gusto ding makausap ng personal si nang miriam, gusto ko kasi talagang magpasalamat sa kanya sa pagtulong na makapagaral ako.

"Tamang tama...pwede naman sigurong pagkatapos na lang duon ay tsaka ka dumiretso sa eskwela" pahayag pa ni lola, at mukhang natuwa talaga.

Nang dumating si mama ng bandang alas nuebe ay kaagad akong pumasok sa aking kwarto, ayoko pa kasi siyang kausapin. Ganitong oras na siya kadalasan umuuwi kasama si daddy. Lalong ayoko pag pumapasok pa ito sa bahay at nagtatangkang kausapin ako.

"Sofia, may pupuntahan tayo sa linggo" biglang sabi ni mama sa gitna ng aming tahimik na umagahan.

"Di ko po alam kung pwede ako, marami kaming project ngayon" kaswal na sagot ko sa kanya habang diretso sa aking pagkain ako nakatingin.

"Basta at tanggihan mo muna, may kailangan tayong puntahan" pagpigil pa niya sa akin at para bang wala na akong magagawa pa.

Natuloy kami sa isang restaurant kung saan daw nagyaya si nang miriam ng Lunch date. Inaasahan ko ng nanduon si Sir Zach...close na close kasi talaga sila ni nang miriam at mukha ngang mas gusto pa niya itong kasama kesa kina ma'm president at yung lola niya dito.

"Nenit! Sofia!" Masiglang tawag niya sa amin ng matanaw niya kami.

Kaagad niya kaming sinalubong ng yakap. Napatingin naman ako sa preskong nakaupo na si sir zach na diretso ang titig sa akin. Kaagad ko siyang tinaasan ng isang kilay na kaagad din naman niyang sinagot ng irap.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon