Chapter 60

114K 2.5K 306
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________



ZACH POV

"So anong plano bro?" Tanong ni matteo sa akin.

Nasa Coffee shop kami ngayon ni Tine, asawa ni Timothy. Nagkibit balikat ako sa kanya. "Wala pa" sagot ko sa kanya.

Nagmura ito ng malutong dahilan para suwayin siya ni Kervy. "T*ngina naman bro! May anak na kayo...pakasalan mo na yan" parang nanggigigil pang utos nito sa akin.

Si luke na busy sa harap ng kanyang laptop ay napangisi bago sumimsim ng kanyang kape. "It's time for you to settle for good zach, hindi ka na bumabata" payo sa akin ni luke.

"Yeah!, you got it right bro!" Sabi ni matteo kay luke at magaapir pa sana ang kaso ay inasar lang siya ni Luke kaya naman napamura na lamang ulit si matteo.

"Can you f*ckin shut your bad mouth, samonte?" Seryosong sabi ni kervy dito pero ngumisi lamang si matteo at tsaka itinaas ang kanyang middel finger kay kervy kaya naman imbes na mainis o magalit si kervy ay napatawa na lamang ito at tsaka mabilis na nilapitan si Matteo at pabirong pinagsususntok.

Dahil sa tawa ni matteo na binubugbog ni kervy ay nakuha namin ang atensyon ng ibang costumer dahilan din kaya humahangos na lumapit sa amin si timothy. "Tumahimik ka nga diyan matteo!" Suway sa kanya ni timothy.

Pero mas lalo lamang nilakas ni matteo ang tawa niya. "Tarantadong kumag na to! May asawa't anak na, isip bata pa din" sabi na lang ni timothy dahil sa wala ng magagawa ang pagkainis niya dahil di niya kakayanin ang kulit at tibay ni matteo pagdating sa pangiinis.

"Daddy Timothy...pagsabihan mo nga itong si Zach at nang malinawan" pangaasar pa din ni matteo sa kanya.

Mabilis na bumaling si timothy sa akin bago malalim na huminga. Tumingin siya sa aswa at may isinenyas bago siya tuluyang nakiupo sa amin.

"Ok sige, tutal ikaw na lang ang wala asawa sa ating lima. Di kami papayag na hanggang diyan ka na lang" seryosong sabi pa nito sabay lagay ng kanyang kamay sa aking balikat.

Matagal ko ding natalikuran ang samahan naming ito, medyo naging malayo kasi ako sa kanila nung magkaproblema kami sa mga sarisarili naming buhay. Pero kahit ganuon ay nagpapasalamat pa din ako dahil andito pa din kami, may kanya kanyang pamilya na pero heto pa din at hindi nagiiwanan.

"Si kervy na ang bahala sa Honeymoon" singit ni matteo sa kalagitnaan ng pag iisip namin kung paano ko yayayain si Sofia na pakasalan ako.

"Wala bang laman yang isip mo kundi sex!?" Naaamaze na tanong ni Luke sa kanya.

"Wag niyo nga akong lokohin! Mga paVirgin..." asar ni matteo dito.

Inirapan lamang siya ni Luke bago mapailing na lang sa tabi. "Saan ba kayo unang nagkakilala?" Tanong ni Timothy sa akin.

"Sa iloilo" sagot ko dito, pagkatapos ng sagot ko ay nagkatinginan silang lahat.

"Hindi applicable ang place, kung duon pa hindi natin magagawa ng agad agad ito" sabi naman ni luke.

"Bakit on rush ba tayo?" Natatawang sambit ni matteo pero walang pumansin sa kanya kaya naman natawa na lang ako dahil napahiya siya.

Ang tahimik na si Kervy ay biglang napaayos ng upo. "Sa University...tutal halos duon naman nangyari ang lahat" seryosong sabi niya sa akin na kaagad kong tinanguan.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon