Chapter 16

63.5K 1.8K 252
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________




Mabilis akong bumaba ng auditorium papuntang SVB building, clueless pa din ako kung bakit ako pinagmamadali ng mga kaibigan ko, ang alam ko lang may video daw. Sus, gusto lang nun na kwentuhan ako ng chismis.

Paakyat pa lamang ako ng SVB building ng kaagad akong makarinig ng bulungan. Chismis nga naman mas mabilis pang umunlad kesa sa ekonomiya ng bansa. Napailing na lamang ako pero kaagad din namang nagulat sa aking narinig.

"Si Sofia naman, kabago bago lang eh" sabi ng mga babaeng napadaan sa harapan ko. Nahiya ako sa sarili ko dahil mga senior ang mga iyon.

Mabilis akong umakyat sa room 401 para puntahan ang mga kaibigan ko, pero para silang nakakita ng multo pagkapasok ko.

"Sofia!" Tawag sa akin ni glayn at kaagad akong inakay patungo sa nakakumpol nilang upuan.

"Saan ka ba nanggaling?" Problemadong tanong ni Cristine sa akin.

"He eh...sa auditorium" sagot ko naman kaagad.

Agad na natahimik walang may gustong magsalita. "Ano bang nangyayari?" Tanong ko basag sa katahimikan.

"Oy, Theresa anong meron?" Kalabit ko sa aking katabi ngayon.

Napatingin ito sa mga kaibigan namin. "Sofia naman kasi eh, hindi nagiingat" suway ni justine sa akin.

"A...ako? Bakit ano ba kasi talagang meron?" Kinakabahang tanong ko sa kanila.

Nagtanguan ang mga ito na para bang humihingi sila ng permiso sa isat isa. Kaagad na inabot sa akin ni justine ang kanyang cellphone at duon bumungad sa akin ang video namin ni sir zach. Yung naghahalikan.

"Sa...saan...saan galing to?" Di mapakaling tanong ko.

Lahat sila ay napayuko. Naginit ang gilid ng aking mga mata dahil dito. "Kami ni Kenji nahuli dahil sa text, yung sa inyo grabe...Tsk" Singit ni lyndi habang napapailing pa.

Napalunok ako dahil duon. "Hoy Lyndi! Tumigil ka nga diyan, kita mong natatakot na nga itong si Sofia eh!" Suway sa kanya ni Elayza.

Napatingin ako sa mga Classmates ko, pero kaagad lamang silang umiwas sa akin ng tingin. "Ma...madami na ba?" Nanginginig na tanong ko pa.

"Bigla na lang kumalat sa buong room, tapos hanggang sa hindi na namin alam kung saan na nakarating" paliwang ni rea tukoy duon sa video.

Mariin akong napapikit at tsaka napasubsob sa aking arm rest.

"Kailangan nating malaman kung sino ang nagpakalat" suwestyon ni jochy.

"Yun na nga ang problema dun eh, mahirap mahanap" sagot naman sa kanya ni Grace.

Nanatili akong nakayuko at nanginginig sa takot. Sana panaginip lang to...

"Class, take your seats!" Suway ng kadadating lang naming prof.

Dahan dahan akong umalis mula sa pagkakasubsob ko. Sandali akong napasulyap dito at nakita kong nakatingin siya sa akin. Tingin na para bang dismayadong dismayado siya sa akin kaya naman yumuko na lamang ako.

"Hala alam na ata pati ng mga prof" nagaalalang bulong sa akin ni lyndi. Napatingin ako sa kanya pero nginitian lamang ako nito pagkatapos ay ngumuso pa ito na para bang naaawa siya sa akin.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon