Chapter 32

71.1K 2.2K 145
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________




(Flashback)

"Wala na...pinalitan niya na ako" umiiyak na sumbong ko kay callum pagkababa ko sa parking area. Hindi ko nga alam kung paano ko nakayanang bumaba gayong wala ako sa sariling umalis sa harapan ng unit ni sir zach.

"Shhh...tahan na makakasama iyan sa baby mo" pagaalo sa akin ni callum.

Wala akong ginawa kundi ang umiyak lang ng umiyak. Dinaan ko lahat ng nararamdaman ko sa pagiyak dahil iyon na lamang ang kaya kong gawin.

"Sofia maging matapang ka" pagaalo niya sa akin.

Mariin akong napailing tsaka ako napasubsob sa aking magkabilang palad. "Ayoko na! Ayoko na talaga" humahagulgol na sambit ko pa.

Simula nung una wala na akong ginawa kundi ang mamorblema at magisip, masakripisyo at masaktan. Nakakasawa na din at nakakapagod. Di ko na alam ang aking gagawin. Nawawalan na ako ng pagasa.

"Sofia marami pa kaming nagmamahal sayo, di ka namin iiwan...di kita iiwan" paninigurado niya sa akin at tsaka niya ako marahang hinila papalapit sa kanya para yakapin.

Hindi binigo ni Callum ang kanyang pangako sa akin. Siya ang naging takbuhan ko. Palagi din niya akong sinasamahan sa bawat checkup ko. Kahit may pasok ay kaagad dumidiretso ito kung nasaan ako.

"Sorry ngayon lang ako, busy kasi sila sa campaign ni Dad" paumanhin niya.

Tumatakbo kasing Congressman ang kanyang daddy at busy sila sa kampanya. "Dapat di ka na pumunta dito, dapat ay nagpahinga ka na lamang" suway ko sa kanya dahil may katigasan din talaga ang kanyang ulo.

"Sus! Makita lang kita tagal na ang pagod ko" bola pa nito na ikinairap ko.

"Napakadami mong alam! Umuwi ka na nga" pagtataboy ko sa kanya.

Pero nginisian lamang ako nito. "Pinaglilihian mo nanaman ako!" Pangaasar niya sa akin.

Inirapan ko na lamang siya dahil kahit anong gawin ko ay di naman ako mananalo laban sa kanya. "Pwede pumasok?" Nakangiting tanong nito.

Wala na akong nagawa kundi buksan ng malaki ang aming gate para makapasok siya dala ang isang basket ng prutas.

"Callum, napadalaw ka...kamusta na ang kampanya ng daddy mo?" Salubong ni mommy sa akin kasama.

Buti pa yung bisita ko pinapansin niya, ako ay parang hangin niya lang kung ituring dito sa loob ng bahay. Kakausapin lang ako nito pagmay kailangan siya, at mabilis lamang iyon.

"Ok naman po, medyo nakakapagod lang po talaga" sagot ni callum dito.

"Dito ka na magdinner ha!" Paganyaya pa ni mommy sa kanya na kaagad naman niyang sinangayunan.

"Ayos! Libre dinner nanaman" natatawang baling nito sa akin, pero nawala kaagad ang ngiti sa kanyang labi ng makita niyang di ko kayang ngumiti at sumakay sa kanyang kasiyahan.

"Di pa rin ba kayo ayos?" Nagaalalang tanong niya sa akin. Umiling na lamang ako at napayuko. Di ako iiyak...di na ako iiyak.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon