Epilogue (Special Chapter)

163K 3.6K 458
                                    

(A/N) Loves, inedit ko yung "My Stolen Innocence" I wrote that last 2018. May mga scenes na, hindi na ako comfortable. Lalo na yung sa issue ni Zach. I know sa mga nakabasa na, hindi kaagad mawawala sa isip niyo yon. But, I still take the risk na baguhin siya because hindi na siya pasok sa Principles na alam ko. 2021 na and mas lumawak na yung understanding ko. Hindi nag cheat si Zach. Mali ako sa part na ginamit ko yon for the plot. Rest assured na, I know better now. Love lots, Maria.

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________







Ang mabibigat na talukap ng aking mga mata ay pinilit kong iangat para lamang makita ang mga nangyayari sa kapaligiran. Nakahiga pa kasi ako sa kama at tamad na tamad pa ang aking katawan para bumangon.

"No. Don't go there zeus" rinig kong suway ni Zach kay zeus. Sobrang likot na kasi nito.

Pinilit kong umupo sa kama kahit na medyo hirap na ako dahil sa unti unting paglaki ng aking tyan.

"Good morning..." bati ko sa kanilang dalawa na konting konti na lang ay mukhang magaaway nanaman.

"Mommy! Good morning" bati ni Zeus sa akinat tsaka tumakbo papunta sa may kama.

Kaagad namang natawa si Zach ng makitang hirap na hirap ang kanyang anak dahil sa hindi ito makasampa sa aming kama.

"Good morning mommy" bati nito sa akin at tsaka ako sandaling hinalikan sa labi.

Dahil sa ginawang pangaasar ni Zach na iyon ay mas lalong nagalit si zeus at tsaka inis na inis na pinilit na makasampa sa may kama.

"Mommy help please..." pagmamakaawa nito at tsaka naglahad ng kamay para sana magpakarga pero kaagad na umikot si Zach para buhatin paakyat ng kama si zeus.

"Big ka na Zeus, hindi na pwedeng magbuhat si mommy ng mga mabibigat" pagkausap niya sa anak pero di naman siya pinansin ni zeus dahil kaagad itong yumakap sa akin at pagkatapos ay humiga sa may kama.

Halos isang taon na din simula ng ikasal kami ni Sir zach. Walang salitang makakapantay sa sayang naramdaman ko nung araw na iyon. Nung araw na naglakad ako sa gitna ng altar papalapit sa kanya. Hindi ko inakalang lahat ng akala kong pangarap ko lang dati ay makukuha ko ngayon.

Sino ba naman ako? Isang hamak na estudyante na humahanga sa kanya. Sa bawat araw na gumising ako ay hindi pa din ako makapaniwala na gigising ako na ganito kasaya.

Nabalik lamang ako sa aking wisyo ng kumatok sa aming pintuan ang Tagapagalaga ni Zeus, pumapasok na kasi ito sa kindergarten.

"Baby, magbihis ka na ok..." pagkausap ko dito at tsaka ko siya pinaghahalikan. Kaagad na tumawa ito na para bang nakikiliti siya sa ginagawa ko.

Tinanaw namin ito hanggang sa makalabas sila sa aming kwarto. Maya maya ay bumaling sa akin si Zach at tsaka niya ako tinitigan, inirapan ko siya dahil naiilang ako kaya naman kumilos na ako para makabangon na sana ng kaagad ako nitong pinigilan.

"Stay for today, wag ka na munang pumasok" pamimilit niya sa akin na kaagad kong ikinanguso.

"Hindi pwede sir...kailangan kong pumasok sa school" paglalambing ko sa kanya.

If nilalambing ko siya ay tinatawag ko siyang sir. Hindi ko alam kung bakit, basta gusto ko lang na tawagin siyang sir. Tsaka natutuwa din naman siya duon.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon