Chapter 44

67.1K 1.9K 142
                                    

Disclaimer: This is still Unedited. Contains typos and grammatical errors.

___________




"Kailangan ko ng umuwi" pagtanggi ko.

Bukas ang pintuan habang hinihintay niya akong bumaba ng sasakyan, nasa harapan na din kami ng isang restaurant.

"We'll just eat, after that ihahatid na kita pauwi" medyo frustrated na paliwanag pa niya dahil sa kanina pa kami nagpipilitan.

At dahil mas lalo kaming tumatagal pag wala akong ginawa kundi ang tumanggi ay lalo kaming matatagalan kaya naman lumabas na lang ako at tsaka tumayo da kanyang harapan.

Mabilis naman nitong isinarado ang pintuan. "Thank you" sambit nito pero wala akong kahit na anong ekspresyon na ipinakita sa kanya.

He intended to let me walk before him but i insisted. I pause for awhile to let him see that i wont buy his bullshits again. Being gentlemen huh? Does not suits him.

Hinayaan ko na siya na ang umorder para sa amin. Sila lang nung waiter ang nagkakaintindihan. Ang utak ko kasi ay nasa bahay na, na kay Zeus. Simula kasi nang mangyari ang kaguluhan na to di na ako napapalagay na iniiwan ko ang anak ko sa sarili naming bahay.

Dapat sana ay panatag ang loob ko habang nasa trabaho naligtas lang ang anak ko sa pamamahay namin pero ngayon ay hindi na. Galit si Cassandra sa akin at hindi ko alam kung ano ang pwede niyang gawin kay Zeus gayong di naman nila iyon kadugo at alam pa niya kung sino ang ama nito.

Unang nagserve ng wine ang isang waiter. Para akong nauhaw bigla at kaagad na sumimsim duon.

"How's Ze...Zeus?" Parang naiilang pang banggit ni sir zach kaya naman halos mailuwa ko ang wine sa aking bibig.

"Why do you care?" Matalim na tingin ko sa kanya at medyo pagalit pang sabi.

Mula sa pagkailang ay nakita ko ang pagbabago nito sa kanyang ekspresyon, mabilis niyang pinatigas iyon.

"I just want to know, i'll be his step dad soon though" he daid bravely na para bang iyon talaga ang mangyayari.

Nginisian ko ito, isang napaka mapainsultong ngisi. "In your dreams" sabi ko na akala mo ay para kaming mga teenagers na nagaasaran.

Ginantihan nito ang aking ngisi. Pero nainis lamang ako dahil mas nakakainis ang ngisi niya. "I can't wait to meet Zeus..." patuloy na pangaasar pa nito sa akin.

Dahil sa kanyang huling sinabi ay para akong tinarakan ng kutsilyo duon mismo sa gitna ng aking dibdib.

"You will never ever meet my son" matitigas na bigkas ko sa bawat words para damang dama niya.

Kita ko ang pagkunot ng noo nito na para bang nahiwagaan siya sa aking ipinakitang galit sa kanya. Napatawa ito ng mahina pero anduon pa din ang pagkalito sa kanyang nukha.

"Kung makapagreact ka para namang kukuhanin ko sayo ang anak mo sofia..." sabi pa niya kaya naman mabilis kong pinakalma ang aking sarili.

Humugot ako ng napakalalim na hininga para mas lalong kumalma.

"That's was deep" puna niya sa aking paghinga.

Hindi ko siya pinansin. Pagdating sa usapin tungkol kay zeus ay hindi ko magawang kumalma hanggang sa hindi mahawakan ang anak ko na para bang gusto kong masiguro na akin lang ang anak ko at walang makakakuha sa kanya kahit pa si sir zach na totoong ama niya.

The Bachelor's Lost Love (Great Bachelor Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon