Legend 28: 4 Rulers

Start from the beginning
                                    


"Ang power ng isang true king..hahahah" dagdag pa ni Blake na natawa na rin.


Hindi pinansin ni Zero ang hirit ng dalawang maingay na kasama at nagpatuloy lamang sa paglakad patungong class 1. Nang makarating sa tapat ng isa sa mga pinto nito ay una niyang napansin ang sign board sa labas.


[To kill or be killed. To run or to fight.]


At mula sa labas ay nakikita niya ang mga kaklase sa loob ng room na parang nagco-cosplay na mga gangsters habang nagse-serve sa kanilang mga customers. Pansin din na napuno na ang mga tables sa loob at wala ng bakante, which explains kung bakit may ibang nakapila pa sa labas.


Sa tabi ni Zero ay nakatayo don si Lee habang ang isang kamay ay nakapatong sa taas ng kilay nitong naniningkit ang mga mata. "Hmm... Hindi ko ata nakikita sina Cassey a."


No one bothered commenting to Lee but what bothered them is the look of their room.


"Seeing this, parang alam ko na kung kanino'ng ideya ito..." Ani Blake ng sumingit ito sa tabi ni Zero.


Logan at their back scoffed. "I guess there is no need telling.."


"Don't tell me-"


Well, Zero was cut off ng biglang umingay sa kabilang dulo ng class 1 kung saan naroon ang nagsisilbing entrance ng kanilang cafe.


Lahat kasi ng classroom dito ay may dalawang pinto na nasa magkabilang dulo. At dahil nga nakasulat sa pintong kinaroroonan nila ang salitang 'exit', masasabing 'entrance' yung kabilang pinto.


At mula doon ay nakita nilang lumabas ang pinagkakaguluhan ng mga babae.


"Well, speaking of..."


Masamang tinitigan ng Kings ang nakangiting si Shin. He is wearing an all black outfit with some accesories that most gangster would wear as he gladly entertains the girls, which are their customers, from the entrance of their cafe.


While looking around he finally see five familiar figures glaring at him. Saglit pa itong natigilan ng mapagtantong kumpleto ang Kings.


"O-oy- Zero.." Alanganing pagtawag niya at agad na nag excuse sa mga nakapalibot sa kanyang mga babae upang makalapit sana sa kanila. Pero napaatras na rin agad lahat nang makita nila ang paglapit mismo ng Kings sa kinaroroonan nila.


"I heard na naglilibot kayo, but I did not expect you guys coming here." Buong ngiti niya pa ring kinausap ang gang at hindi man lang natinag sa masamang titig na pinupukol sa kanya.


"We're just checking before the big day," si Lee habang inilibot ang mata sa paligid.


"Teka. Matagal ka namin hinintay sa HQ a. Shin," si Blake naman at ipinatong ang braso sa kanang balikat ni Shin. "Don't tell me na andito ka lang buong linggo?" may panunuyang tanong niya sa pinahinang boses.

Gangsters Legend: HeartlessWhere stories live. Discover now