Chapter 40

46.2K 665 71
                                    

Chapter 40 : We’re meant to be


“May mga taong meant to love each other, pero not meant to be together.”

“Parang kami ba?*sob*” nasa harap ko ngayon si Julia. Naikwento na nya sakin lahat lahat lahat. Ano ba namang klaseng buhay to. Ang ironic. Pag masaya sya ako malungkot. Pag malungkot sya ako masaya. Ang hirap tuloy.

Wait! Hindi pa kami ni Daniel ha! Wala pang results ng exam. Bukas pa. Medyo nahirapan nga ako sa exam kanina eh. Pano naiisip ko yung pesteng deal na yun!

Wednesday ngayon at sa Friday na ang Christmas party namin sa school. Nakakaexcite! Sino kayang nakabunot sakin?

Nabunot ko? Wag na, di nyo naman kilala eh.

“Julia…” di ako marunong magcomfort. Huhuhu. Iyak na lang din ako.

“Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko eh.” sinasabi nya parin yan habang naiyak. Naiiyak din tuloy ako. “Tapos sabi nya pupuntahan nya ako kagabi… hindi naman. Nakakainis.”

Hinagod ko lang likod nya. Pano na ba to?

“Julia… kung patunayan mo kayang kayo talaga para sa isa’t isa?” suggest ko naman.

“Paano?”

“Mag aral ka magluto, tapos pumunta ka sakanila, kausapin mo yung lola nya.”

“Bes. Nakakahiya.”

“Wag mo ngang pairalin ang pride mo. Walang mangyayari kung hindi mo ibababa ang pride mo. okay?” sabi ko naman. Medyo mapride kasi si Julia eh. ako naman wala akong pakielam sa pride ko.

“Mmm… Paano ako mag aaral magluto?” oo nga? Pano nga?

“Umuwi ka ngayon, magpaturo ka sa yaya nyo, tapos pumunta ka na kala Diego. Dapat hindi nya alam ah!” Hindi naman ako sa pagiging B.I. nagsusuggest lang.

“O sige. Bes, ikaw na bahala magexcuse sakin.” Nag nod ako, tapos umalis na si Julia nang matamlay.

“Hey. San punta nun?” nagulat ako sa unggoy. Este kay Daniel. Aha.

“Uwi na sya.” Sagot ko lang. Medyo ewan ko. naeewan yung feeling ko kapag nasa harap or nandyan si Daniel malapit sakin. Aa naman oh.

This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon