Chapter 6

63.2K 806 99
                                    

nakauwi ako ng maaga, so mag-uupdate ako. ;)

here na ang Chapter 6 :">

matuwa sana kayo!

VOTE, COMMENT AND BE A FAN <3

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 6 : Sufferings

                So kagabi, hinatid nya lang ako sa bahay. Pero syempre, naglakad kami papasok ng subdivision kasi magagalit sa kanya Mommy nya pag nakita siyang nagmomotor. At kinain ko yung tiring spaghetti at natulog na ako. Wala naman masyadong pag-aaralan eh.

Umaga na naman, simula ngayon may dalawang new students sa classroom namin, si unggoy at ang kanyang bestfriend na naissue sakin, si Diego. Kaklase na namin sila, kaya –

“AAAAAAAAAAAAAAAAH!” kaya ganyan ang mga babae dito sa loob ng classroom. Masyadong nahuhumaling kay unggoy. Pinalibutan ba naman, ang aga-aga pa eh, ang ingay na.

“Calm down, ladies.” Tapos patawa tawa pa si unggoy.

“Daniel, narinig ko kasama mo daw si nerd kahapon?”


“Ay grabe! Wag mong sabihing ganun ang type mo!” Hala? Anong problema? Ako ba yung nerd na tinutukoy nila? HUH? Napatingin naman silang lahat sakin. Ahhh. Ano? Bakit? Anong problema nyo? Juliaaaa. Nasan ka na ba? Bakit ka ba late?

Pagtutulungan na ba nila ako? Kakatayin? Bibitayin? Wag muna. Di pa ako nakakapag tapos ng pag-aaral. Di ko pa natutulungan mga magulang ko. Waaag.

“Hindi,” nagsalita yung unggoy. “ko siya type. Pero kasama ko nga siya kahapon, sabay lang kaming umuwi.” Ang yabang huh. Oo na ako na di maganda. Tsh

“Ooooooh.” Narinig ko yung mga babaeng ganyan.

RIIIIIING. Saved by the bell. Pero wala parin si Julia. At wala parin si Diego. Nasan sila? Baka nabully si Diego? Hindi yun. Eh si Julia? Di naman yun nalalate ah? Aaah.

“Hoy. Julia! Bakit ngayon ka lang?” sabi ko sakanya ng pumasok siya after ng first class namin.

“Long story, Bes.” Sabi nya habang naupo. Bigla namang pumasok si Diego. Sinusundan siya nung unggoy.

“Dude, Diegs. San ka ba kasi galing?” tanong ni unggoy. Eto namang si Diego ay para bang umiiwas ng tingin samin. Bakit kaya? Naiilang ba siya sakin gawa nung mga tsismis? Siguro nga.

“Oh? Julia, ngayon ka lang din?” pagtataka sa mukha ni unggoy.

This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon