Chapter 33

51K 964 147
                                    

Chapter 33 : Forever

Julia’s POV

 


Birthday ni Diego ngayon. Ang love of my life. Haha. Di ko alam kung ano nang meron samin, di ko alam kung MU ba or ano. Eh kasi di naman niya nababanggit. Nahihiya naman pati ako.

Ngayong birthday niya, di ko alam kung pano ko gagawing special. Eh kasi naman, nagpaparty yung Dad niya. Ang plano ko sana isurprise siya, at parang mag dadate lang kaming dalawa.

Pero palpak. Tsh.

Kasama ko nga pala ang aking bestfriend ngayon, sabay kaming pumunta sa party. Pero parang wala akong kasama, nakatulala lang siya. Grabe lang. Kalerkey.

“Earth to Kathryn please!” nagclap ako sa mukha niya, nagulat ata. Hahaha. “Hay salamat. Tara na, iniintay na tayo ni Diego.” Tapos pumasok na kami sa loob at hinanap ko ang aking fiancé, haha. Fiancé talaga eh? Sorry, proud ako eh! Hahaha!

“Happy birthdaaaaaaaaaaay!!!!” sigaw ko. Sobrang naexcite lang. :D

“Thanks, Juls.” Sabay ngiti nya naman at yakap sakin. O-em! Kinikilig ako!

“Happy birthday.”bati naman ni Bes.

“Thanks, Kath.” Sabi nya tapos tumingin siya sa paligid. “May gustong kumausap sayo.” Napatingin ako kay Diego at napangiti. Napatingin naman ako kay Daniel na nasa may likod lang ni Kath. Tapos umalis muna kami ni Diego para mabigyan sila ng privacy.

“Sa tingin mo…” simula ko tapos napatingin si Diego sakin. “Anong tingin ni Daniel kay Kath?”

“Hm, di ko alam. Si Daniel lang makakasagot nan.” Tapos ngumiti siya sakin. “Eh ikaw, anong tingin mo sakin?” tapos nagulat naman ako sa kanya. Bigla niyang hinawakan yung dalawa kong kamay at napatitig lang ako sakanya.

“H-huh?” nagstastammer lang ako sa kilig. O-ehm!

“Sabi ko mahal kita.” OOOOMGGGG! I CAN DIE NOW!

“Totoo?” ewan ko bigla na lang uminit mukha ko.

“Oo naman. Ikaw ba?” tinatanong pa ba yan!!!

“Ano ba, nahihiya ako eh.”tapos bigla akong tumungo. Nakakahiya. Feeling ko pulang pula na ako sa kilig.

“Hindi ba?” parang nalungkot yung boses nya, napatingin naman ako sakanya.

This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon