Chapter 23

53.3K 633 91
                                    

Sorry late po. Eh kasi 10 PM na ako nakauwi kagabi, tapos sobrang pagod pa ako. Kaya di ako nakapag update. Sorry talagaaaaaa. Eto na.

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 23 : Ignore him


Siguro di lang talaga kami para sa isa’t isa. Siguro, di lang talaga tamang mahalin ko sya.

“Bes. Tama na. Wag ka nang umiyak.” Nandito ako ngayon sa bahay. Umuwi ako agad at hindi na nagklase. Sumunod naman sakin si Julia at hindi din nagklase. What are friends for daw. Buti na lang wala pa si Mommy sa bahay. Pinasabi ko na lang sa adviser namin na masama pakiramdam ko. Kaya ako naghalf day.


*SNIFF SNIFF*


Ang dami nang tissue sa tabi ng kama ko.


Naikwento ko na kasi kay Julia lahat nung nangyari kanina. Kaya sya nandito.


Umiyak lang ako nang umiyak nang makatulog na ako.


***


Pagkagising ko, may towel sa noo ko at may tubig sa may sahig. Bumangon ako sa pagkahiga nang biglang may pumasok…


Si Kuya JC.


“Gising ka na pala, Kat. How’s your feeling?” tanong nya habang ibinaba yung pagkaing dala nya sa may kama ko. Tapos hinawakan nya yung noo ko. “Buti naman medyo bumaba na yung lagnat mo.” may lagnat ako? Nagkasakit ako kakaiyak?


“Kumain ka na. it will make you feel better.” Sa ngayon gusto kong mapag isa. Ayokong kumain.


“Kuya, pwedeng iwan mo muna ako? Gusto ko lang mapag-isa.” Tapos nagulat sya sakin. Pero sinunod naman nya ako at lumabas na sya ng kwarto ko.

*ting* may text message ako.

Fr. Julia

Don’t think that you’re alone. I’m always here. I love you, Bes. :*

Umuwi muna ako saglit, hinahanap ako eh.

This Crazy Love (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon