Chapter 100 (part 1)

Magsimula sa umpisa
                                    

"Sapagkat iyon na lamang ang maaaring makatalo kay Death. Si Life na lang ang pag-asa niyo..."


"Life?"


"Makikilala mo rin siya sa takdang panahon."


"There is a life after death, Morixette," singit ni Death na wari mo'y nangungusap ang kaniyang mga mata para sumama ako sa kaniya.


Nanlaki bigla ang mga mata ko nang mawala ang itim na shadow na bumabalot kay Death. Tumambad sa amin ang kaniyang itsura.


"Syet, ang gwapo niya!" sambit ko.


Hindi ko alam kung bakit bigla iyong lumabas sa bibig ko. Umiral na naman ang landing itinatago ko.


"Morixette, tinutukso ka lamang niya! Huwag kang magpabulag sa tawag ng laman!" giit ni Ethel sabay sampal sa akin.


Para bang nayanig ang diwa ko dahil sa ginawa niya. Kahit tumagos lamang ang kaniyang pagsampal sa aking pisngi, naramdaman ko pa rin iyon mula sa aking kaibuturan.


"Salamat, Ethel!" turan ko sabay pakawala ng isang napakatamis kong ngiti.


Oo, gwapo nga si Death at sadyang kahali-halina ang kaniyang itsura pero hindi ako dapat magpabulag sa panloloko niya. Now I know kung bakit maraming nasasaktan.


"Time's up!" ani Helga.


"Tapusin na natin ang labang 'to," dugtong pa niya.


"Lamad tres ere noque!" sambit ni Ethel habang nakatuon ang kaniyang kanang kamay sa akin.


Nagulat akong bigla nang mabalutan ako ng isang bilog na panangga.


"Laban natin ito, Ate! Hindi ko hahayaang galawin mo si Morixette!" giit ni Ethel at biglang naglabas nang puting liwanag ang kaniyang katawan saka lumutang sa ere.


"Okay, sigurado naman akong hindi mo ako matatalo!" giit ni Helga at naglabas ng itim na liwanag ang kaniyang katawan bago lumutang sa may ere.


Nakatayo lamang si Death na mistulang papanuorin lang ang laban ng magkapatid.


Nabalot ng kakaibang hangin ang loob ng silid. Nananalig akong mananalo si Ethel.


"Ahh!" sigaw nilang dalawa na para bang nag-chacharge ng enerhiya.


Ang mata ni Ethel ay naglabas ng puting liwanag habang itim naman ang kay Helga.


Iniunat ni Ethel ang kaniyang dalawang kamay sa kaniyang gilid habang nakatingala.


Pinagsaklob naman ni Helga ang kaniyang mga palad na wari mo'y nananalangin habang nakayuko. Napansin ko ang pagbuka ng kaniyang bibig kaya hindi maipagkakailang may inuusal siyang dasal.


"Ahh!" anas ni Ethel.


May lumalabas na dugo sa kaniyang ilong habang ang mata niya'y lumuluha ng dugo.


"Ethel!" sigaw ko dahil unti-unting siyang napapababa sa may ere.


"Erei olgania lamoscha!" usal ni Ethel at mistulang winasiwas ng hangin si Helga at siyang ibinato sa may dingding hanggang sa lumagapak siya sa may sahig.


"Gumagaling ka na," turan ni Helga habang dahan-dahang tumatayo. Mararamdaman mo ang kaniyang pagngangalit.


"Kahit kapatid kita, hindi ako papayag na magpagapi sa iyo!" pahayag ni Ethel.


"Thug!" napagawi bigla ang tingin ko kay Death nang kalampagin niya ang sahig gamit ang hawak niyang tungkod.


Nanlaki ang mata ko nang bigla itong magbago ng anyo. Ang mahaba niyang tungkod na may mahabang patalim ay nagkaroon ng bungo.


"Morixette, pagkalabas mo sa silid na 'to, tumakbo ka kaagad!" giit ni Ethel.


Tango lamang ang aking naitugon dulot ng panghihilakbot.


"Ahhh!" pagpalahaw ni Ethel ng sigaw nang tamaan siya bigla ng itim na kuryente mula sa tungkod na may bungo ni Death.


Nanginginig at nangingisay siya sa ere habang tumitirik ang kaniyang mga mata.


"Hahaha!" halakhak ni Helga.


"Ethel!" sigaw ko.


"Ya-yanare si-silido ka-kasne..." utal na sambit ni Ethel bago ako tuluyang mawala sa loob ng silid.


Kamukat-mukat ko, wala na ako sa loob ng pananggang ginawa niya at nandito na ako sa may labas.


"Ethel..." maluha-luha kong sambit bago ako tuluyang nagtatakbo palayo.

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon