Chapter 77

39.8K 1.3K 256
                                    

Jerwel's POV


Sa paghiwa niya sa aking kanang pisngi, ramdam na ramdam ko ang kirot lalo pa't binabagalan niya ang bawat pagpasada ng blade roon. Hindi siya nakuntento sa paunang guhit na nilikha niya kaya gumawa pa siyang muli nang panibago kaya nakabuo siya ng ekis mula rito.


"Ang sarap pagmasdan ng iyong dugong dahan-dahang lumalabas mula sa sugat na ginawa ko."


"Tama na please! Masakit!" daing ko.


"Masakit? Haha. Mas mas masakit pa riyan ang sugat na namutawi sa puso ko. Titiyakin kong magdurusa ka at pagsisisihin ng mga magulang mo ang ginawa nila sa akin!" giit niya na tila ba gigil na gigil.


"Ahhh!"


Napasigaw ako nang bigla niyang tapyasin ang laman sa kaliwang braso ko.


"Hahaha! Ang sarap pagmasdan ng iyong dugong rumaragasa mula sa iyong braso!"


"Sandali, hindi kasiya-siya ang ginagawa ko sa iyo. Kulang sa thrill," aniya at napahinto saglit.


Mula sa bulsa ng kaniyang unipormeng pangkasambahay, dinukot niya ang isang maliit na bagay sabay pakita sa akin.


"Huwag! Huwag iyan! Nagmamakaawa ako! Itigil mo na ito! Gagawin ko ang lahat ng gusto mo!" pagsusumamo ko habang nanginginig dulot ng takot at pangamba.


"Kahit ano pang pagmsmakaawa ang gawin mo, buo na ang pasya ko at hinding-hindi na iyon magbabago."


Isang nakakalokong ngiti na naman ang ibinigay niya sa akin sabay kurot ng hawak niyang nail cutter sa kaliwa kong tainga!


"Ahhh!"


Patuloy lang ako sa paghiyaw habang tinitiis ang sakit ng bawat kurot ng nail cutter sa aking tainga nang paulit-ulit.


"Ang boring naman nito, lagyan natin ng twist!" segunda niya.


Tumayo siya saglit at may kinuha sa suot niyang pambaba. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang balisong.


"Ahhhhh!"


Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko matapos niyang tapyasin nang walang habas ang kaliwa kong tainga. Sigaw ako nang sigaw at daing nang daing.


"Hahaha!"


Ang daming dugong tumatagas. Parang pakiramdam ko, masasaid ang dugo ko.


"Hindi ko na kaya, patayin mo na ako!"


Para bang nahihilo ako. Hindi ko na kaya. Masahol na ang paghihirap niya sa akin, gusto ko nang sumuko.


The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon