Chapter 8

75.8K 2.6K 737
                                    

Naglakad na nga kami patungo sa kainan nila Kaye. Pagkarating namin doon, mapapansin mong maraming mag-anak ang nagpipicnic sa tabi-tabi. Nakakatuwa nga dahil kumpleto sila at napakasaya.


Hindi ko tuloy mawaglit sa aking isipan ang Ate Roxette ko. Naalala ko pa noon, kapag matutulog kami at natatakot ako dahil sa dilim, tumatabi siya sa akin at niyayakap ako para makatulog ako ng mahimbing.


Siya rin ang naghahanda ng babaunin ko sa school noong elementary pa lang ako. Bacon sandwich plus chuckie pa nga kadalasan eh. Masyado siyang maalaga sa akin dahil busy nga sa trabaho yung parents namin kaya siya ang nag-aasikaso sa akin.


"Morixette, bakit ka umiiyak?" Bungad ni Charlie habang nakatayo kami sa harapan ng malaking puno.


Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko kaya dali-dali ko itong pinunasan. "Wala 'to, naalala ko lang yung Ate ko." Paliwanag ko.


Hinagod niya lang ang likuran ko para mapawi ang lungkot na aking nadarama.


"Hijo, Hija, bilang pasasalamat sa inyo, kumain lang kayo nang kumain. Tumuhog kayo riyan nang kahit ano." Segunda nung nanay ni Kaye.


"Masarap ang mga tuhog-tuhog na tinda namin." Singit ni Kaye.


"Oo nga, kaya huwag na kayong mahiya." Dugtong pa ng tatay ni Kaye.


"Naku, maraming salamat po. Na-miss ko rin pong kumain ng mga street foods dahil walang ganito sa ibang bansa." Pahayag ni Charlie na kaahad namang kumuha ng stick na para bang takam na takam na.


"Sige po, salamat sa inyo." Ani ko at kumuha na rin ako ng stick.


"Kwek-kwek for the win!" Turan ni Charlie at kaagad na tinira ang kwek-kwek na kahali-halina sa sarap.


"Hhmm.. sarap talaga nito! Walang kupas!" Kumento niya kaya napangiti ang mag-asawa na inaasikaso naman ang ibang costumer.


Mapabata o matanda, suki na nila. Ang daming na-engganyo sa pagkain nila.


Nandyan ang proven, balat ng manok, tokwang binalutan ng harina, yung pambansang kwek-kwek ng Pilipinas, hotdog na sinamahan pa nila ng marshmallows, pati embutido ay may harina covering din, may ginayat pang galunggong na hinaluan ng gulay at ibinalot sa harina, fishball, kikiam, isaw, betamax, adidas, hindi mawawala ang paborito kong barbeque, nagulat nga ako dahil may maruya pa at ang pinakapaborito ko sa lahat, yung calamares!


Tiba-tiba kaming dalawa dahil ang daming pagkain na nilantakan namin. Tinikman namin lahat hangga't kaya pa namin.


"Morixette, stick ka ba?" Bungad ni Charlie habang busy kami sa pagkain.


"Iyan ka na naman. O sige, bakit?" Pahayag ko sabay nguya sa kinakain kong calamares.


"Kasi, tinuhog mo ang puso ko na ngayo'y pinaghaharian mo." Pa-cute niyang sambit.

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon