Chapter 6

73.9K 2.7K 226
                                    

Napasigaw akong bigla dahil hindi ko kinayang titigan ang kaniyang mukha. Napadako tuloy sa akin ang lahat ng atensyon ng mga taong naglalakad sa daan.


Dulot ng hiya, nagtatakbo na lang ako papalayo sa lugar na iyon hanggang sa magpahinga ako sa ilalim ng puno.


Pagkaupo ko roon, napansin ko sa peripheral vision ko na may babaeng nakaputi na paikang naglalakad patungo sa aking kinalulugdan. Siya pa rin ito, tinitiyak ko. Hindi naman niya ako sinasaktan kaya naglakas-loob akong lingunin siya.


Paglingon ko, bumungad sa aking harapan ang kaniyang mukha. Aaminin, naduduwal ako sa kaniyang itsura pero tiyak mayroon siyang mabuting kalooban.


"Hustisya." Bigkas niya habang nakaluhod siya sa aking harapan at nagmamakaawa. Nakasandal ako ngayon sa puno dahil hindi pa rin nawawala ang takot dahil isa pa rin siyang multo.


"Paano ko hahanapin ang hustisya? Ano ba ang dapat kong gawin?" Tanong ko habang nanginginig ang aking mga labi.


Nanlaki ang aking mga mata nang biglang tanggalin niya ang itak na nakatarak sa kaniyang ulo. Napangiwi ako dahil bumulwak ang mga dugo mula rito. Napapikit pa akong bigla dahil natalsikan ang aking mukha.


"Ahh!" Sigaw ko dahil may kamay na biglang pumatong sa aking balikat. Ewan ko ba pero ninerbyos ako. Nakapikit pa rin ako hanggang ngayon at hindi ko magawang idilat ang aking mga mata dahil sa takot.


Nang maramdaman kong wala na yung kamay na nakapatong sa aking balikat ay dali-dali kong idinilat ang aking mata. Nagpalinga-linga ako sa paligid pero wala na yung multong sunog yung mukha. At isa pa, sino ang humawak sa aking balikat?


"Bulaga!" Sigaw ng isang babae na naka-costume ng pampayaso ang bumulaga sa akin kaya napahiga tuloy akong bigla sa may semento.


"Papatayin mo ba ako sa gulat miss?" Bungad ko nang makarecover na ako sa mga pangyayari.


Hindi naman ako nagtaray sa kaniya. Mahinahon pa rin akong magsalita kahit na medyo nairita ako sa panggugulat niya.


"Pasensya ka na, gusto lang naman kitang pasayahin dahil mukhang nalulungkot ka. Tsaka isa pa, nag-iisa ka rito kaya alam kong may pinagdaraanan ka." Pahayag nito at napayuko bigla dahil akala niya nagalit ako sa ginawa niya.


Tumayo ako sa aking kinauupuan at hinarap siya. "Salamat dahil naisipan mong pasayahin ako." Turan ko sabay ngiti sa kaniya.


"Talaga? Yehey! May napasaya na naman ako! Masaya na si Kaye!" Pahayag niya habang nagtatatalon sa tuwa at pumapalakpak pa.


Ang weird niya. Matanda na siya, siguro ay nasa 20+ na siya pero ang utak niya ay pang-eight year old. Maaari kayang special child siya?


"Kaye ba ang pangalan mo?" Tanong ko.


"Opo, ako ang pinakamagandang clown sa balat ng lupa. Gusto ko kasing nagpapasaya ako ng mga taong nalulungkot." Aniya habang todo-todo ang ngiting namumutawi sa kaniyang mukha.


"Wow naman, nice name. Sigurado ako na maraming tao ka pang mapapasaya. Salamat nga pala dahil pinasaya mo ako." Turan ko.


Natutuwa ako sa kaniya dahil ang bibo niya. Ang cute nga dahil nakacostume pa siya ng pang-clown at nandito pa siya sa may park. Wala ba siyang magulang?


"Ahm Kaye, nasaan yung mga magulang mo? Bakit ikaw lang ang mag-isang nandito?" Tanong ko.


"Ah, nagtitinda sila doon!" Aniya sabay turo gamit ang kaniyang nguso sa mag-asawang nagtitinda ng mga street food sa 'di kalayuan.


"Ah, gusto mo ba ihatid na kita sa kanila?" Ani ko.


"Hindi na po. Maghahanap pa po ako ng mga taong malungkot para mapasaya ko sila. Kaya po kayo, huwag nang malulungkot." Aniya habang nagkakakawag pa sa tuwa.


"Sabi nga sa tv, 'Bawal ang sad, dapat happy!'" Aniya habang iminumuwestra sa aking harapan na dapat maging masaya lagi.


"Sige, tatandaan ko iyan." Turan ko sabay ngiti sa kaniya bilang patunay na masaya na ako.


Now I know na hindi dapat natin agad binabatikos ang mga taong kulang-kulang dahil nakatutulong din sila sa kahit anumang paraan.


"Morixette!" Sigaw ng isang binata na nakasandig sa kaniyang sasakyan. Nakangiti pa ito at may tangan-tangang bulaklak.


"Charlie?"

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon