Chapter 47

46.9K 1.6K 63
                                    

Morixette's POV


Hanggang ngayon, hindi pa rin ako mapakali sa loob ng aking silid dahil sa alanganing buhay na sa aki'y bumabagabag. Kailangan ko pa ng clue para malaman ko kung sino ang biktima.


Nakailang gulong na ako rito sa kama ko sa sobrang kakaisip kung sino ba ang sunod na biktima. Minsan napapaisip ako, paano kung malapit sa buhay ko ang maging biktima? Ano ang gagawin ko?


Ang bigat ng responsibilidad na pinasok ko. Nang dahil sa akin, maraming buhay ang nalagay sa panganib. Kung pwede lang na buhay ko na lang ang kapalit para mabuhay si Ate Roxette kaso hindi naman pwede.


Nalulungkot ako dahil may isang buhay na akong napabayaan. Hindi ko na-save noon si Sir Brenan. Mabuti na lang at nakikiayon yata sa akin ang tadhana dahil ligtas sina Padre Santiago at Janine. Alam kong hindi pa ito tapos, marami pa akong dapat na masagip.


Sa gitna ng aking pagninilay-nilay, napansin kong muli ang ABaKaDa na nagliliwanag doon sa study table ko kaya daglian ko itong kinuha at binuksan.


Sa pagbuka ng iyong bibig, ika'y maaaring maging sisig.


Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ito. Hindi ko maintindihan kung ano ang nais nitong iparating. Possible bang ang sunod na biktima ay matalak? Matakaw? Malusog? Mataba? Ewan.


Nang ibaling kong muli ang aking atensiyon dito, ang libro'y lumipat muli sa susunod na pahina.


Ito'y tinitingala, 

Sadyang kahanga-hanga. 

Isang gantimpala, 

Pero maaari ring maging sumpa.


Kay sarap hawakan, 

Pilit na pinagkakaguluhan. 

Inaasam nang kung sinu-sino, 

Ngunit minsan, minamaligno.


Sa pagsapit ng dilim, 

Kababalaghan nito'y karima-rimarim. 

Napapatakbo ka kapag nadaanan ito, 

Nangangamba na may nakamasid na dalawang mata na naninirahan dito.


Matikas at matindig, 

Langitngit nito'y madalas na marinig. 

Madalas, ganito ang inyong sahig, 

Sa paghiga'y may nakayakap na dalawang bisig.


Umiikot sa mainit na bagay, 

Kalong-kalong ang masarap na nakakahayahay. 

Na kapag ika'y nasobrahan, 

Sa ospital ang iyong pagtitirikan.


Ang daming clue na ibinigay ng libro para mahinuha ko kung ano ba ang kamatayang ipapataw nito sa kaniyang biktima.


Malapit ko na itong mahulaan, konting tiis na lang. Hindi dapat sumuko, laban lang nang laban.


Makalipas ang ilang minuto, itinago ko na ulit ang libro. Nagmuni-muni ako sa ibabaw ng aking kama kung sino ba ang tinutukoy nito.


Habang iniisa-isa ko ang mga clue, isang tao lang ang tumatak sa aking isipan.


Siya nga! Hindi ako pwedeng magkamali! Kailangan ko siyang mailigtas!


Dali-dali kong inayos ang aking sarili at naghuhumadaling tumakbo paibaba.


Mabilis tumakbo ang oras kaya wala akong dapat sayangin na oras.


"Hintayin mo 'ko..."


Elmo's Note:


Hello, pasensiya na sa late and short UD. I'll post the next chapter as soon as possible. Thank you.


Kung gusto niyo akong i-add sa fb, search niyo lang po ang (Risingservant WP). Ty

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now