Chapter 23

58.2K 2.1K 224
                                    

Lutang akong naglalakad sa hallway dahil sa kakaisip sa sinabi ni Jerico. Naguluhan akong bigla. Mahal nga ba talaga ako ni Charlie? Pero kung gayon, bakit hindi niya ako magawang kalingain? Argh!


"Uy Morixette!" Bungad ni Divine sabay batok sa akin. Pakiramdam ko'y nayanig ang sistema ko kaya nagbalik na akong muli sa katinuan.


"Ang hard mo friend." Sambit ko habang inaalog-alog ang aking ulo.


Naglalakad kaming dalawa ngayon nang dahan-dahan sa hallway. Isinantabi ko muna ang aking iniisip para hindi niya mahalata.


"Kumusta lovelife?" Bungad niya.


"Heto, going steady pa rin." Tugon ko.


"Well, ang cute nung guy na naghatid sa iyo kanina. Parang mas bagay kayo." Dugtong pa niya.


"Dibina, magkaibigan lang kami. Kaibigan is kaibigan." Giit ko.


"Sus, anong kaibigan ang pinagsasabi mo riyan? Hindi kayo magkaibigan 'no! Siya kaya ang ultimate crush mo." Pasaring niya kaya napahinto akong bigla sa paglalakad.


"Tama ako 'di ba? Haha!" Panunuya niya.


Paano nalaman ni Divine na crush ko si Jerico? Kaasar! Tutuksuhin na niya ako hanggang mamaya!


"Huwag ka nang magngitngit diyan. Malelate na tayo!" Turan niya habang palihim na ngumingisi.


"Sasakalin kita Dibina!" Giit ko't hinabol siya.


"Ah!" Paimpit niyang sigaw habang tumatakbo.


"Girls!" Napahinto kaming bigla nang makasalubong namin si Miss Sandoval, ang teacher namin sa mathematika.


"Don't act like a child. Malalaki na kayo." Aniya habang nakahalukipkip pa.


"Sorry Ma'am." Sambit naming pareho ni Divine habang nakayuko.


"Just go to your respective room." Dugtong pa niya sabay lakad palayo.


Napabuntong-hininga na lang kaming dalawa nang dahil sa kaba. Akala namin, magtataray siya eh.


"Mabuti na lang at mukhang good vibes si Ma'am kaya hindi niya tayo nasungitan." Ani ni Divine habang nakahawak sa kaniyang dibdib.


"Oo nga eh, pinagpawisan ako roon. Haha!" Sambit ko habang nagpupunas ng pawis sa aking mukha.


"Morixette, yung bag mo! May mensahe na naman yata ang libro." Pahayag ni Divine habang nakanguso na para bang tinuturo ang bag ko.


Gumilid muna kami saglit at tsaka ko inilabas ang libro.


"Ang oras ay tumatakbo, hindi na makakahingi pa ang biktima ng saklolo."

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon