Chapter 87

42.3K 1.4K 592
                                    

Pagkapasok ko sa loob ng CR, ni-locked ko ito kaagad at naupo ako sa may bowl sabay labas sa libro't binuklat ito.


Alaala ng minamahal,

Umusbong nang pagal.

Namumutawi ang inusal,

Nababalot ng dasal.


Mga batang nagtatakbuhan,

O kay sayang tingnan.

Lalo na kapag sila'y nasa damuhan,

Nagpapagulong-gulong sa kainaman.


Pagkain sa tabi-tabi,

Wala kang masasabi.

Kay sarap nga namang tumuhog,

Habang ang loob ninyo'y nahuhulog.


Ang lugar na ito'y espesyal,

Para sa 'yo at sa 'yong minamahal.

Dito umusbong ang ligaya,

Kapighatian naman sa tuwina.


Napalunok akong bigla ng laway nang dahil sa aking nabasa. Sinabayan pa ito ng panginginig ng aking mga kamay kaya nabitawan ko ang libro't bumagsak ito sa sahig.


Sa unang saknong, ipinaalala naman ng ABaKaDa ang patungkol sa amin ni Charlie. Hindi ko maiwasang sariwain ang araw na sinagot ko siya at makita ang ngiti niya sa sobrang saya.


Umandar na naman ang sakit at kirot sa aking dibdib. Pasakit talaga ang libro na 'to, nag-momove on na nga ako pero hinahatak naman niya ako pabalik. Ano bang trip nito?


Sa ikalawang saknong, mga batang naglalaro ang pinapatungkulan niya rito. Naalala ko na naman ang pakikipaglaro namin noon ni Charlie sa mga bata at nagistulan pa na kami ang mga magulang nito.


Sa pangarap ko, nakikita ko si Charlie at ako habang tumatakbo sa damuhan kasama ang aming mga supling. Masaya kami bilang pamilya. Ngunit ngayong wala na siya, hanggang panaginip ko na lamang ang pangarap kong iyon kasama ang taong pinakamamahal ko.


Pupunasan ko na sana ang mga luhang walang pakundangan sa pagragasa nang mapansin kong wala nga pala akong dalang panyo.


Kinapa-kapa ko ang aking bulsa pero wala talaga. No choice kaya kinamay ko na lang ang pagpunas sa luha ko.


Sa ikatlong saknong, pinatungkulan naman rito ang mga pagkaing hinahanap-hanap ko, street foods. Mas masarap talaga ang mga pagkaing bawal lalo na kung kasama mong kumain ang iyong minamahal.


'Yung moment na sa tuwing susubo ko, magkatitigan kayo nang mata sa mata. Minsan nga mauunsyami pa at mapapabungisngis na lang kayong dalawa.


Ang sarap balikan ng mga tagpong masaya kayo.


The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon