Chapter 81

40.8K 1.4K 78
                                    

Sa pagliwanag ng libro, kaagad ko namang kinuha ito mula sa loob ng aking bag. Pareho kaming kinakabahan ni Divine pero mas higit ang kabang nadarama ko sapagkat malaki ang posibilidad na sila ni Thirdy ang isusunod nito.


Sa pagbukas ng libro, napalunok na lamang ako ng laway.


Kahit gaano ka katibay, damdamin mo'y mababayubay. Humanda ka na, matinding kapighatia'y madarama.


Kung kanina, kaba lang ang nararamdaman ko. Ngayon, matinding silakbo na ng damdamin. Kahit anong mangyari, kailanagn kong mailigtas ang buhay ng dalawa kong kaibigan.


"Sino kaya ang sunod na biktima ng ABaKaDa?" bungad ni Divine.


Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na sila na ang isusunod nito. Ayokong bumigat pa lalo ang problema niya pero kailanagn kong isaalang-alang ang kaligtasan nilang dalawa kaya kailangan kong mag-isip ng paraan kung paano ko sa kanila iyon sasabihin.


"Magbibigay naman ng clue ang libro kaya malalaman din natin," tugon ko.


"Kung ako man ang magiging sunod na biktima, ano kaya ang ipapataw nitong kamatayan sa akin?" segunda niya.


"Huwag ka ngang mag-isip ng ganiyan, Divine. Syempre, kahit ano pa man ang maging husgado ng libro sa iyo, gagawin ko ang lahat para mailigtas ka. Hindi ko hahayaan ang kaibigan kong mapahamak 'no."


Nakahiga pa rin siya sa kaniyang higaan habang ako nama'y nakaupo sa paanang bahagi ng kama.


"Mailigtas mo man ako o hindi, okay lang sa akin. Bilang naman na ang mga araw ko sa mundong ito. Masaya ako dahil may mga kaibigan akong nasasandalan kahit na hindi ako naaasikaso ng aking mga magulang," pahayag niya habang nakatingin sa may kisame.


Pare-pareho lang kaming magkakaibigan na hindi na masyadong nabibigyan ng pansin ng mga magulang namin kaya naiintindihan ko siya. Kami-kami lang din ang nagkakaintindihan pagdating sa mga ganitong bagay kaya kami-kami lang din ang nagtutulungan. Mahirap ang ganitong pakiramdam dahil kulang kami sa kalinga at pagmamahal.


Alam ko naman na kumakayod ang mga magulang namin para sa kinabukasan namin. Pero kahit na ganoon, thankful pa rin ako kasi nakakasama ko pa rina ng mga magulang ko sa bahay kahit madalang lang at minsan lang kami nagkakausap unlike sa iba na nasa ibang bansa ang mga magulang kaya pairamdam nila, hindi sila mahal ng mga ito na tila ba nakalimutan na sila.


Kagaya ni Thirdy, nasa ibang bansa ang mga magulang niya. Ginagawa niya lang ang lahat ng gusto niyang gawin. Lahat naman ng gusto niya ang ibinibigay sa kaniya ng mga magulang niya. Alam kong hindi iyon sapat para sa tunay niyang ikaliligaya. Ramdam ko pa rin ang pagkagusto niyang makasama ang mga ito kahit matagal nang panahon na hindi sila umuuwi.


"Huwag ka ngang ganiyan Divine, magtiwala ka lang sa Panginoon. He has a plan for you."


"Hindi ko naman nakakalimutang magtiwala sa Kaniya. Kahit na hirap na hirap na ako sa buhay ko, kinakausap ko pa rin naman Siya. Pero bakit kaya gano'n? Hindi naman ako masamang tao pero bakit ako pa 'yung nagkaroon ng sakit na ganito?"


Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya. Tanging pagluha na lamang ang kaniyang nagawa dahil umariba na naman ang sakit sa kaniyang damdamin. Ang tanging nagawa ko na lang ay ang yakapin siya nang mahigpit.


"Minsan talaga, hindi mo alam kung paano ka pa liligaya kung walang-wala ka na."


"Shhh, tahan na. Huwag mo nang isipin ang mga ganoong bagay," pang-aalo ko.


Ilang sandali pa, bigla na namang nagliwanag ang libro.


Siya ang iyong kailangan, 

Sandigan,

Kaibigan mo...


"Kaibigan? Ibig sabihin pala, maaaring ako na ang isinod ng libro," sarkastikong sambit ni Divine.


"Hindi na ako magpapaliguy-liguy pa. Kanina, nakita kong nagliwanag ang noo ni Thirdy at lumabas mula ang ang pigurang A. At sa pagpasok ko naman kanina rito sa lob ng iyong silid, nagliwanag din ang iyong noo Divine at lumabas mula roon ang pigurang Wa," lakas-loob kong paliwanag.


Kailangan nilang maging alerto kaya ipinaalam ko na iyon sa kaniya. Hindi ko alam kung tama bang dagdagan pa ang problema niya pero kailangan.


Isang ngiting pagak lamang ang itinugon sa akin ni Divine.


"Tanggap ko naman na kung ano ang magiging kapalaran ko," aniya.


"Kaya natin ito, lalaban tayo," turan ko.


"Oo nga pala, nasaan na si Thirdy? Ang tagal naman niyang bumalik," pagbabago ko ng usapan.


"Oo nga e, sandali lang tatawagan ko muna," aniya sabay kuha sa kaniyang cellphone sa ilalim ng kaniyang unan.


"Hello? Nasaan ka na?" bungad ni Divine matapos sagutin ni Thirdy ang kaniyang tawag.


"Pabalik na ako, huwag kang mag-alala."


"Sige, ingat! Love you!"


"Love you too!"


At itinabi nang muli ni Divine ang kaniyang cellphone.


"May isa pa nga pala akong sasabihin sa iyo, Divine."


"Ano iyon?" nagugulumihanan niyang tanong.


"Si Jerwel kasi nandito rin sa ospital ngayon. Kabibiktima lang sa kaniya ng ABaKaDa pero huwag kang mag-alala, ligtas naman na siya," paliwanag ko.


"Grabe, mabuti na lang at nailigtas mo siya."


"Oo nga, ang tindi rin ng sinapit niya. Bukas, puntahan natin siya sa kaniyang silid."


"Sige."


 Sa ngayon, medyo nakahinga na ako nang maluwag. Ang kailangan ko sa ngayon ay ang mabantayan at maging updated sa dalawa kong kaibigan.  

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now