Chapter 41

54.5K 1.8K 194
                                    

Heto na, ito na yung araw na hinihintay ko, ang pagpapakilala sa akin ni Charlie sa ate niya. Oo, kinakabahan ako dahil parang napakataas niyang tao na kay hirap bang abutin. Sa ngayon, lakas ng loob lang ang kailangan ko.


Hindi lang ako sa ate niya kinakabahan kundi sa muling pagkilos ng ABaKaDa. Kailangan, maging maagap ako para mailigtas ko ang buhay na nasa alanganin.


Habang nakaupo't nagmumuni-muni ako rito sa ibabaw ng aking kama, biglang nagliwanag ang libro kaya naman dali-dali ko itong kinuha. Pagkabukas ko, tumambad sa akin ang clue ng kaniyang sunod na biktima.


Ang ating katawan ay sagrado,

Hindi ito dapat lagyan ng kung anu-ano.

Kapag ito'y nabahiran ng kamunduhan,

Kabahan ka, sapagkat masamang dagok ang iyong aabutan.


Pangalagaan ito na parang buhay mo,

Mahalaga ito sa isang tao.

Oo, tukso'y paroo't parito,

Ngunit kaya mo namang kontrolin ang sarili mo.


Huwag maging halang ang bituka.

Sa nasaksiha'y huwag magpaalunsina.

Linisin ang sagabal sa iyong daan,

Nang makapagpatuloy ka patungong handaan.


Pangalagaan ang iyong kaluluwa.

Huwag itong ipakita sa masa.

Hindi maganda na pinagpipiyestahan ka,

Sagrado iyan, hala na.


Ang isang pipit ay bigyan ng malasakit,

Turinging kapantay mo na isa ring tao.

Ang buhay ay mahalaga kapag huwag tuwad nang tuwad sa madla.

Sapagkat sa isang kurap mo lang, lahat ng ipinundar mo'y masasayang.


Isinara ko muna ang libro dahil naguguluhan ako. Wala akong naintindihan sa nais iparating nito. Sa ngayon, ipinokus ko muna ang aking atensyon sa magaganap na okasyon.


Simpleng damit lang ang aking napili. Hindi na akong naghanap pa ng masyadong magara sapagkat kaya ko namang dalhin kahit ano pa ang aking suotin.


Makalipas ang ilang oras, inayos ko na ang aking sarili. Hindi ako pwedeng sunduin dito ni Charlie dahil walang nakakaalam na may boyfriend ako rito sa bahay kaya doon niya ako aabangan sa may kanto.


Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na sa may hagdan. Pagkarating ko sa huling baitang, bilang sumulpot si Jaycee na kumakain ng ice cream.


"Yuck, ang salaula mong kumain! Para kang bata! Ang dusing mo!" Banat ko nang magkasalubong kami.


"Naks, concern siya sa akin. Ayiee, kinikilig na tuloy ako." Biro niya sabay sugo at kagat sa kutsara.


Tumigil ako saglit at hinarap siya. "Excuse me, sinasabi ko lang ang totoo. Huwag kang assuming." Giit ko habang nakapameywang sa harapan niya.


"K." Aniya sabay dila pa kaya naiinis ako sa pambubuska niya. Hahakbang na sana ako palayo sa kaniya nang bigla siyang magsalita.


"Ganda mo ngayon ah. Saan lakad?" Singit niya.


Humarap ako sa kaniya at nagtaray. "Wala kang pakialam. Mind your own business." Ani ko.


"Luh, may date ka lang siguro. Haha!" Panunuya niya sabay talikod at naglakad palayo sa akin.


"Tse!" Sigaw ko at naglakad na ako palabas ng bahay.


Sa totoo lang, mabait si Jaycee. Makulit lang talaga at sadyang mapangbuska. Maiinis ka sa kaniya pero hindi siya nakakapoot. Normal na siguro ang ganiyan.


Nang makalabas na ako ng gate, biglang dumaan naman si Jerico na nakabike. Nginitian niya ako kaya daig ko pa ang nanalo sa lotto dahil kinilig ako kay crush.


Siguro, importante ang pupuntahan niya kaya parang nagmamadali. Sayang, hindi man lang siya huminto para mag-hi sa akin.


Tumawag na ako ng pedicab at nagpatid palabas ng aming subdivision. Ayoko kasing hulas na hulas ako kapag nakita ako ni Charlie, baka maturn-off pa siya sa akin. Kaya habang nasa loob ako, konting wisik ng pabango, polbo't lipgloss din para fresh muli ako pagkakita namin.


Nang makarating na kami sa may kanto, nakita ko na si Charlie na nakasandal sa kaniyang sasakyan. Napakagwapo niya talaga kahit na ano pa ang kaniyang suotin.


Habang naglalakad ako papalapit sa kaniya, isang napakatamis na ngiti ang iginawad niya sa akin. Gusto kong magtatalon sa kilig dahil mukhang artista ang boyfriend ko. Ngiti palang niya, sold na ako. Paano pa kaya kapag natikman kong muli ang mapupula niyang labi? Double heaven na 'to!


"Ready ka na ba?" Bungad niya sa akin nang makalapit ako sa kaniya.


"Oo." Sambit ko.


Nagulat ako dahil binuksan niya ang pinto ng kaniyang sasakyan at inilabas doon ang isang bouquet na pulang rosas. Napatakip ako bigla sa aking bibig na halos hindi makapaniwala sa sobrang saya na aking nadarama.


"Roses for the most beautiful girl I've ever known." Aniya at iniabot niya ito sa akin na para bang namamanhikan. Gusto kong sumigaw sa tuwa na nararamdaman ko ngayon. Grabe, akala ko talaga wala lang ako sa kaniya.


Pagkatanggap ko nito, isang halik naman sa pisngi ang kaniyang iginawad sa akin kaya parang bituin ang aking mata na kumukuti-kutitap sa saya na nadarama.


"Thank you." Turan ko sabay halik sa kaniyang kanang pisngi na labis niya ring ikinatuwa.


"Ate is waiting for us. Tara na?" Pahayag niya sabay lahad ng kaniyang kanang kamay.


Inabot ko iyon na para bang isa akong prinsesa na punong-puno ng pagpapahalaga. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang makasakay sa sasakyan.


This is it, wala nang atrasan. Fight!


The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon