Chapter 59

52.6K 1.6K 449
                                    

Nakakalungkot dahil patay na si Denise. Gustuhin ko man siyang iligtas kanina kaso late na ako, hindi ko na masosolusyonan pa ang paghihirap niya.


Kahit naman kinamumuhian ko siya, naaawa pa rin ako sa sinapit niya. Dapat ba akong matuwa dahil wala nang balakid sa pag-iibigan namin ni Charlie? Pero paano 'yong kasalanan nila sa akin? Dapat ko na ba iyong kalimutan at patawarin na lamang sila? Hindi naman gano'n kadali iyon.


Nandito ako ngayong mag-isa sa may canteen, kumakain mag-isa. Isa pa nga palang problema ko iyang si Divine. Nakakalungkot lang dahil pati mga kaibigan ko'y lumayo sa akin. Gustuhin ko mang ayusin ang namuong tensiyon sa amin kanina ni Dibina, mukhang medyo matatagalan pa. Kailangan ko munang pahupain ang galit niya sa akin bago ko siya kausapin.


Nagkakausap pa rin naman kami nina Jerwel at Thirdy. Hindi nga lang nila ako masamahan kasi mas close sila kay Divine. Isa pa, silang tatlo naman talaga ang original friends, dawit lang ako sa grupo nila.


Habang nagmumuni-muni ako't pinaglalaruan ang pagkain kong spaghetti, nagliwanag ang libro sa aking bag kaya inilabas ko ito. Nandito naman ako sa medyo sulok na parte kaya hindi nila mapapansin ang librong hawak ko dahil mukhang ordinaryong libro lamang ang ABaKaDa kapag ito'y nakita mo sa malayuan.


Hindi ka nagtagumpay, sumalangit nawa ang kaniyang buhay.


Sa pagtambad sa akin ng pahina, nalungkot ako dahil nagsayang na naman ako ng isang buhay. Kung naging maagap lang sana ako't hindi nagdalawang-isip, siguro naisugod pa sa ospital si Denise.


Ito'y muling lumipat sa sunod na pahina.


Alphabeto: Na 

Mensahe: Sa pagbulwak ng dugo, pakiramdam ay parang hinagibis ng isang libong palaso.

 Kamatayang ipinataw: Napkin


Hanggang ngayon, nandidiri pa rin ako sa tuwing iniisip ko ang itsura ni Denise kanina habang naliligo sa sarili niyang dugo. Para siyang walang pakundangang binayubay hanggang sa mamatay.


Minsan iniisip ko, paano kung ako na ang sunod na biktima? Paano kung mas malapit sa buhay ko ang isunod ng ABaKaDa? Makaya ko pa ba? Maraming bumabagabag sa akin dahil sa librong ito.


Ginusto ko 'to, kailangan kong panindigan. Dapat kong tapusin kung anuman ang aking sinimulan.


Ilang saglit pa'y lumipat muli sa susunod na pahina ang libro.


Nandiyan na siya, buhay niya'y malalagas na. Kumilos ka na't huwag nang tumanga pa, marami ka pang oras para matagpuan siya.


Hanggang ngayon, hindi ko pa rin kilala kung sino ba ang sunod na biktima. Saan ko siya matatagpuan? Hindi sapat ang clue na ibinigay noon ng libro para makilala siya.


Nagulat akong bigla dahil sa pagtungo ko'y mayroong babaeng nakaupo sa may tapat ko. Nakayuko siya't natatabingan ng kaniyang buhok ang mukha niya.

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now