Chapter 89

40.1K 1.2K 106
                                    

"Miss Izzy, nakakandado po ang gate kaya mag-oover da bakod po tayo," panimula ko.


Hindi ako agad kinibo ni Miss Izzy dahil inililibot niya ang kaniyang paningin sa paligid, nag-oobserba kumbaga.


"Oo nga, pero huwag kang mag-alala, hihiram ako ng susi sa maintenance ng school para makapasok tayo riyan," aniya ng walang halong pangamba.


"A, sige po."


Inilabas ni Miss Izzy ang kaniyang cellphone mula sa bulsa ng kaniyang suot.


"Mang Carding, pahiram po ako ng susi ng back gate ng school. Nandito po ako ngayon, salamat!" aniya at pinatay na kaagad ang call.


Ang lakas naman ni Miss Izzy rito sa school.


"Bakit ka nakatingin sa akin ng ganiyan? Ano iniisip mo?" segunda niya nang mapansin niyang nakatuon sa kaniya ang aking atensiyon.


"Ay pasensiya na po, wala po iyon, ang ganda niyo po kasi," pambobola ko.


Napayuko tuloy akong bigla at tila ba nahiya dahil doon.


"Sus, siguro iniisip mo na a---"


"Ay hindi po!" pagputol ko kaagad.


"Haha, wala pa naman akong sinasabi a."


"Ma'am, heto na po ang susi!" humahangos na dating ni Mang Carding.


"Salamat!" tugon nito sabay kuha sa susi at umalis na si Mang Carding.


Bakit kaya siya tinawag na Ma'am? Naging titser ba siya rito?


"Miss Izzy, naging titser po ba kayo rito?"


Tanging hambal na ngiti lamang ang itinugon nito sa akin.


"Bakit mo naman naisip iyan?" tanong niya habang binubuksan ang gate.


"Na-curious lang po. Tinawag po kasi kayong Ma'am no'ng maintenance."


"Por que Ma'am ba titser agad?" sarkastiko niyang tanong.


Para tuloy akong natuod sa kinatatayuan ko dahil umiral ang katangahan ko.


"Pamangkin kasi ako ng may-ari ng school niyo."


Nakahinga na ako nang maluwag nang maliwanagan ako.


"A, kaya po pala..."


Napabuntong-hininga na lamang ako matapos no'n.

The Return of ABaKaDa (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon