Chapter 28

56.4K 2.1K 250
                                    

Hindi ako makapagsalita sa sobrang tuwa. Siguro, ito na ang pinakamemorable na birthday ko.


Ang tatlo kong kaibigan na masayang-masayang pumapalakpak. Ang boyfriend kong may tangan-tangang regalo. Ang Lola kong hindi na nakasibangot dahil sa alitan namin. At ang parents kong magkayakap na pawang sweet na sweet sa isa't isa. Lahat silang importante sa buhay ko ay nagsama-sama para sa araw na ito.


Sulit naman ang mga luhang inilabas ko dahil nakita kong nagkaisa sila ngayon. Masayang-masaya ako. Pramis!


"Oh paano ba iyan anak? Malaki ka na. Kaya mo nang mabuhay mag-isa. Iyon ay dahil madalas kaming wala ng Mom mo sa tabi mo. Nagpaka-independent ka kaya hanga ako sayo." Turan ni Dad.


"You're still our treasure kahit na sa tingin mo'y hindi ka namin mahal. Tandaan mo anak, 'Hindi kaya ng isang magulang na makitang nasasaktan at umiiyak ang kaniyang anak.' Mas lalo kaming nasasaktan. Kaya kahit na hindi mo kami madalas nakakasama, isipin mo lang na nasa tabi mo kami para gabayan ka. Mahal na mahal ka namin, anak." Pahayag ni Mom.


Mas lalong sumidhi ang bugso ng aking damdamin. Hindi ko mapigilang hindi umiyak. Lalo na nang marinig kong tawagin nila akong anak. Ang sarap sa pakiramdam. Pakiramdam ko ngayon, buong-buo na ulit ako.


Nilapitan nila akong dalawa at ako'y kanilang niyakap. I feel safe now. "I love you Mom and Dad!" Turan ko.


Pagkatapos nun, si Lola naman ang nagsalita.


"Alam kong kinamumuhian mo ako dahil naging kontrabida ako sa buhay mo. Kapakanan mo lang naman ang iniisip ko kaya madalas, ako'y naghuhurumintado. Pagpasensiyahan mo na kung laging mainit ang ulo ng Lola, nababagot din naman ako rito dahil wala akong kasama. Ako pa rin naman ang Lola mo noon, ang nagsasama sayo sa bukid para mamitas ng mga gulay. Mahal kita Morixette kaya kita pinoprotektahan. Iyon sana'y iyong maintindihan." Pahayag ni Lola na ngayo'y nakaupo sa kaniyang tomba-tomba.


Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. "Mahal din kita Lola. Sorry po sa lahat." Giit ko.


Sumunod namang magsalita yung tatlo.


"Sa tuwing malungkot ka, nandito lang ako para pasiyahin ka. Ako clown na magpapangiti sayo, gaano man kabigat ang dinadala mo." Sambit ni Thirdy.


"You're always be my little sister. Poprotektahan kita bilang iyong kuya." Wika naman ni Jerwel.


"Para saan pa ang pagiging magbessy natin kung ang bawat isa'y hindi natin sasaluhin 'di ba? Divine at your service." Pahayag niya.


Nilapitan ko ang tatlong taong nagtitiis sa akin at napagtitiyagaan ang pagiging makulit ko. Tanggap nila kung ano, at sino ako nang buong-buo. Best friends forever!


At ang huli, ang lalaking bumihag sa puso ko. Iniabot niya sa akin ang isang regalo. Pagkabukas ko, isang panyo.


"Gusto mong malaman kung bakit panyo?" Tanong niya.


"Oo naman."


"Bakit panyo? Kasi, ako ang iyong magiging sandalan sa tuwing ika'y nangangailangan. Kapag pinaiyak kita, ako ang panyong magpupunas ng luha sa iyong mga mata. Kapag nagkasakit ka, ako ang panyo na magpupunas sa katawan mo para bumaba ang iyong temperatura. Ang sa ulo mo'y magtatakip kapag ang ulan ay papatak na. Ang iyong dala-dala lagi na nakalagay sa iyong bulsa. At ang panyong sasamahan ka, kahit saan ka man magpunta." Paliwanag niya. Naantig ang aking puso kaya napatalon ako sa pagyakap sa kaniya.


"Maraming salamat sa inyo. Sulit na sulit ang kaarawan ko. Lahat ng pangamba ko'y nawala. Nakatagpo akong muli ng panibagong pag-asa." Litaniya ko.


"Blow the candle anak." Singit ni Dad.


Lumipat ako sa may lamesa. Pumikit ako para humiling bago hinipan ang kandila sa ibabaw ng aking cake.


Pagmulat ko ng aking mga mata, napasabunot akong bigla sa aking buhok nang dahil sa aking nasilayan. Lahat ng mahal ko sa buhay ay pawang patay na't sila'y nakahandusay sa sahig! Duguan. Naliligo sila sa sarili nilang mga dugo. Natataranta ako na hindi alam kung ano ba ang dapat kong gawin.


"Hindi!" Pagsusumamo ko dahil sa pagkamatay nila.


"Morixette!"


Napabangon akong bigla sa aking kinahihigaan dahil sa pagsigaw ni Lola Alette sa labas ng aking kwarto.


"Late ka na sa unang klase mo!" Singhal nito.


"Opo, bababa na lang po ako." Tugon ko.


Hindi ako makapaniwala na panaginip lang pala ang lahat ng iyon. Pero kahit na ganoon, ang lakas pa rin ng pintig ng puso ko. Natakot ako dahil hindi ko kayang mawala ang mga importanteng tao sa buhay ko. Thanks to God dahil panaginip lang ang lahat.

The Return of ABaKaDa (Published)Where stories live. Discover now